• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 244K katao, naapektuhan ng nagdaang Bagyong Dodong – NDRRMC

NASA 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong Hulyo 19.

 

 

Ang mga apektadong pamilya ay nasa 284 barangay sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas, dagdag pa nito.

 

 

Sa mga apektadong pamilya, 548 pamilya lamang hanggang 2,016 indibidwal ang natutulungan sa 47 evacuation centers habang 23,591 pamilya o 91,734 katao ang tinutulungan sa labas na piniling hindi manatili sa loob ng ga evacuation centers.

 

 

Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang mga apektadong pamilya ay ang mga lumikas at ang mga hindi nangangailangan ng paglipat o pagpapaalikas mula sa kanilang tirahan.

 

 

Sinabi rin ng NDRRMC na ang mga ulat ng dalawang pagkamatay sa Calabarzon dahil umano sa pagguho ng lupa ay sinusuri na. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 26, 2021

  • PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin, polio

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin at  polio.     Sa isang video na naka-upload sa kanyang official Facebook page, sinabi ng Pangulo na dapat na samantalahin ng mga magulang ang  Department of Health’s (DOH) month-long “Chikiting Ligtas” program na naglalayong […]

  • DEPED Sec. Briones, suportado ni Pangulong Duterte sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, Oktubre 5

    ALL out support si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay DEPED secretary Leonor Briones sa harap ng naging paninindigan nitong dapat na ituloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng health crisis, sa darating na Oktubre 5.   Ang katuwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang hugot ni Briones sa gitna ng pagpupursige nito kahit nuon pa […]