Mahigit 400-M estudyante sa 23 bansa, apektado pa rin ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya – UNICEF
- Published on April 4, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa 405 million na mga mag-aaral mula sa 23 mga bansa ang nananatiling apektado ng pagsasara ng mga paaralan nang dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), nasa 23 mga bansa pa mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang hindi pa tuluyang nakakapagbukas ng kanilang mga paaralan, habang maraming mga estudyante rin ang nanganganib din na tumigil sa kanilang mga pag-aaral nang dahil sa pandemic.
Ayon kay UNICEF Executive Director Catherine Russell, malaking kawalan sa pagkatuto ng mga bata kung hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga ito na makipag-ugnayan sa ibang tao tulad ng kanilang mga guro, at mga kaibigan.
Ito rin aniya ay maaaring magbunsod sa inequality sa pag-access sa karunungan sa pamamagitan ng edukasyon na nanganganib naman na maging isang greatest divider, sa halip na maging isang greatest equalizer.
Sa datos pa ng UNICEF, sinasabing nasa 147 million na mga kabataan ang hindi nakadalo sa mahigit kalahati ng kanilang in-person classes sa nakalipas na dalawang taon.
Bukod dito ay marami rin ang mga batang hindi na bumalik pa sa pag-aaral matapos na buksan muli ang kanilang mga paaralan dahilan para malagay ang mga ito sa mataas na panganib ng pagsasamantala at habambuhay na kahirapan.
Ngunit sa kabila nito ay inamin din ni Russell na may mga pagkakataon pa rin walang garantiya na matututo ng basic knowledge ang mga mag-aaral na pumapasok sa mga paaralan dahil sa napakabagal na kasalukuyang pace ng learning ngayon kung saan ay tinatayang aabutin pa ng pitong taon para sa karamihan ng mga mag-aaral para lamang matuto ng mga kasanayan sa pagbabasa na dapat sana ay natututunan lamang sa loob ng dalawang taon.
Dahil dito ay kinakailangan na mabigyan ng masinsinang suporta ang mga mag-aaral na kanilang kailangan upang muling makabawi sa kanilang edukasyon.
Bukod dito, dapat ding tiyakin ng mga bansa na ang mga guro ay may mga training at learning resources na kanilang kinakailangan.
-
MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ
PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan. Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR. Base sa inilatag na rekomendasyon ng […]
-
Nakikinabang sa mga Medical Mission ni Nieto Patuloy na Nadadagdagan
UMABOT na sa 1,023 ang mga Manilenyong natulungan sa pangangailangan pang kalusugan at kagalingan ng mag rehistro at makinabang sa ARAW N’YO, SERBISYO KO! BIG MEDICAL MISSION, ang programang pang Kalusugang Manilenyo na pinangungunahan ng Bise Alkalde Yul Servo Nieto ay ginawa noong April 1, 2023. Bilang pang 14th medical mission sa ilalim […]
-
MATTEO, pinuna ng basher sa pagbubuhat ng barbell at tinawag na ‘copycat clown’
PINOST ni Matteo Guidicelli ang video ng pagbubuhat niya ng barbell na may bigat na 130 kg na kitang-kita kinaya niya per sa bandang huli’y nahirapan na talaga talaga siya. Caption niya, “PR UNLOCKED TODAY!! #StayHard “Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the […]