• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec

AABOT  na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).

 

 

Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) DepEd (522), BJMP (510), BFP (15), Media (809), Comelec (586), DILG (3) PCG (73), DFA (1) habang inaantay pa sa ngayon mula Philippine Navy.

 

 

Maaalala na isinagawa ang local absentee voting para sa May 2022 elections mula Abril 27 hanggang 29.

 

 

Sa ilalim ng LAV, pinapayagang makapag-avail ng local absentee voting na hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9 dahil sa kanilang trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police gayundin ang mga miyembro ng media at technical at support staff.

 

 

Ito ay sa kondisyon na sila ay rehistradong botante, hindi deactivated ang registration status at hindi makakaboto sa lugar kung saan sila ay rehistrado dahil sa kanilang election duties. (Daris Jose)

Other News
  • Mabilis na gumaling ang natamong right foot injury… RURU, balik-workout na parang hindi naaksidente

    BALIK sa kanyang workout si Ruru Madrid na parang hindi siya naaksidente na may dalawang linggo na ang nakaraan.     Mabilis daw gumaling ang natamong right foot injury ng Kapuso hunk sa isang action scene sa pinagbibidahan nitong teleserye na Lolong. Nakakapaglakad na raw ito ng walang saklay kaya nabigyan siya ng clearance ng […]

  • LRT 1 AT 2, MAY FARE INCREASE

    MAGPAPATUPAD ng fare increase ang LRT-1 at LRT-2 simula Agosto 2, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.     Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na fare adjustment ay pagpapabuti sa serbisyo, amenities at technical capacities ng LRT-1  at LRT-2.     Sa fare adjustment,  sinabi ni Aquino na […]

  • Tulak timbog sa P170-K shabu

    ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado habang dalawang menor de edad ang narescue sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38, ng V Cruz St. Brgy. Tangos.   Ayon kay Col. Balasabas, ala- […]