• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis

MAHIGIT  53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20.

 

 

Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong upang madagdagan ang pagbili ng mga school supplies at iba pang materyales sa oras para sa pagpapatuloy ng mga klase.

 

 

Ang tulong na pang-edukasyon sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD ay naglalayong tulungan ang mga estudyanteng nasa krisis o emergency na sitwasyon.

 

 

Ang mga isinasaalang-alang sa mga student crisis ay ang mga :

 

breadwinner

working student,

orphan/abandoned and living with relatives,

child of a single parent,

child whose parents are unemployed,

child of an overseas Filipino worker,

victim of child abuse,

have a parent with human immunodeficiency virus or HIV, and

victim of calamity or disaster.

 

 

Ang bawat estudyante ay maaaring makatanggap ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school, at P4,000 para sa kolehiyo/vocational school.

 

 

Magsasagawa ang DSWD ng payouts tuwing Sabado hanggang Setyembre 24. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 27, 2022

  • Press peeps, pasok sa HoF Review Committee

    BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee para sa sports media practitioner upang makatuwang sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina sa ikaapat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa darating na Nobyembre.   Base sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee […]

  • ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

    ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.     Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, […]