Mahigit P565-M halaga ng food packs, inihanda ng DSWD para sa epekto ng Typhoon Mawar
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar.
Sinabi ng ahensya na nakapaghanda ito ng kabuuang 797,051 family food packs sa mga regional office nito.
Bukod dito, mayroong 110,667 family food packs sa disaster response centers nito, higit 101,000 ay nasa National Resource Operations Center sa Pasay City at mahigit 9,000 naman ang nasa Visayas Disaster Resource Center.
Kaugnay niyan, inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga regional director na makipag-ugnayan sa kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils, at pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na maghanda para sa epekto ng nasabing bagyo.
Kung matatandaan, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang forecast ay nagpakita na ang bagyo ay maaaring makaapekto sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at sa Batanes area, kung kaya’t marami sa kanilang mga food packs ang naipon para sa nabanggit na mga lugar.
Dagdag dito, bahagyang humina ang tropical cyclone na Mawar sa isang bagyo mula sa isang super typhoon noong ngunit maaaring muling lumakas kapag nakapasok na ito sa lugar ng Pilipinas.
-
Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays
KASABAY ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw. Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del […]
-
3 MENOR DE EDAD NA KABABIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite. Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children […]
-
BEA, mas matunog at hula ng karamihan na magiging Kapuso na
ANG dami na ngang naku-curious kung sino ang award-winning actress na magiging isang Kapuso na. Dalawa ang naiisip — si Judy Ann Santos o si Bea Alonzo? Pero sa dalawa, mas matunog talaga na si Bea ang hula ng karamihan na magiging isang Kapuso. Ang isa lang nagiging kuwestiyon […]