• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit sa 1.3 milyong katao, apektado ng Carina, Butchoy – NDRRMC

TINATAYANG umabot na sa 1.3 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy na tumama sa bansa.

 

 

 

 

 

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 1,319,467 katao o 299,344 pamilya ang naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Sa mga naapektuhan, may 211,396 katao o 53,414 pamilya ang nasa evacuation centers.

 

 

Sinabi nito na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang rehiyon na may pinakamalaking bilang na mga naapektuhang tao, may 552,971 indibidwal o 110,874 pamilya.

 

 

Para sa mga naapektuhan lamang ng bagyong Carina, ang kabuuang tulong na na ibigay ng gobyerno ay P61.3 million, nagmula sa iba’t ibang sources partikular na sa Department of Social Welfare and Development, Office of Civil Defense, local government units, at nongovernment organizations.

 

 

Ayon naman sa Department of Budget and Management, mayroon pang P11 billion ang gobyerno na available sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Fund (NDRRMF) para gamitin sa relief efforts para kay Carina.

 

 

“Our government is prepared. We are ready to support all operations for disaster rescue and relief with the necessary budget. Identified frontline government agencies may mobilize their Quick Response Fund (QRF) allocated in their respective budgets,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Sa ulat, nananatiling nasa 14 ang naitalang nasawi dala ng sama ng panahon dulot ng hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

 

 

Batay sa ulat ng NDRRMC, ang kumpirmadong nasawi kabilang na ang 4 mula sa Zamboanga at tig-1 naman mula sa Northern Mindanao, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Metro Manila.

 

 

Ayon sa impormasyon ng NDRRMC, nasawi ang 4 dahil sa suffocation matapos na ma-trap sa landslide sa 2 sitio ng Barangay Pamucutan, Zamboanga City.

 

 

Samantala, isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Pulangi, Kabacan, North Cotabato.

 

 

Habang 2 naman ang naitalang nasawi dahil sa pagkalunod mula sa Pagalungan, Maguindanao del Sur at Quezon City.

 

 

Ang ibang nasawi ay hindi naman naisama sa reporting ng NDRRMC kaugnay sa sanhi ng kanilang pagkamatay. (Daris Jose)

Other News
  • Pdu30, tinintahan ang isang EO na lilikha sa National Amnesty Commission

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang executive order na lilikha sa National Amnesty Commission (NAC).   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang komisyon ay kinabibilangan ng pitong miyembro kabilang na ang chairperson at dalawang regular members na itatalaga ni Pangulong Duterte.   Ang mga pinuno ng Department of Justice, Department of […]

  • Argentina nilampaso ang Poland sa Group C knockout game ng FIFA World Cup

    Pinatunayan ng Argentina ang kanilang mataas na ranking sa FIFA matapos talunin ng Poland sa knockout Group C stage game.   Unang nakapagtala ng goal si midfielder Alexis MacAllister para madala sa 1-0 ang ranked number 3 na Argentina sa laro na ginanap sa Stadium 974 sa unang bahagi ng laro.   Pagpasok ng second […]

  • RABIYA, maayos na pinatulan ang matinding pang-i-insulto sa kanya ng isang basher

    NAKAAALIW ang IG post ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kung saan na naka-baker outfit kasama ang nakapaglalaway at binabalik-balikang Raisin Bread sa Baguio City.     Caption ng bagong Kapuso star, “Minsan action star, minsan panadero.     “Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng […]