‘Mahigpit na implementasyon ng protokol sa kalusugan, sundin’- Gob Fernando
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Muling binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng protokol sa kalusugan at COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions sa kanyang mensahe sa opisyal niyang Facebook page kamakailan.
“Ipatutupad po natin ng may lalong paghihigpit ang protokol at pamantayan sa kalusugan upang maiwasan ang muling pagkalat ng COVID-19, nais nating matiyak na hindi mawawalang saysay ang mga pinagtiisan at ipinaglaban natin noong ECQ,” ani Fernando.
Inulit din ng punong lalawigan na disiplina sa sarili ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19.
“May karampatang parusa at multa ang lalabag sa health at IATF protocols dahil ang pinakamabisang panlaban ay disiplina ng bawat isa, ang pagsasagawa ng minimum health standards, kaya ugaliin po natin ang patuloy na pag-iingat at huwag po natin itong balewalain, huwag tayong masanay sa mali,” anang gobernador.
Aniya, bagaman umani ng mga papuri ang Bulacan mula sa nasyunal na pamahalaan dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan sa mga lalawigang nakapalibot sa National Capital Region, patuloy pa rin ang laban ng lalawigan kontra COVID-19.
Sinabi din niya na ayon sa mga tala, tumaas ang pagkalat ng COVID-19 nitong nakalipas na panahon ng Kapaskuhan kung kaya nananawagan siya sa lahat na gawin ang kanilang bahagi.
“Ang bawat isa ay maaaring mag-ambag sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa minimum health standards para patuloy na makabalik ang mga tao sa kanilang pagtatrabaho, maiiwasan ang pag-akyat ng kaso at ‘di mawala ang pangamba sa pagsasara ng mga negosyo at kawalan ng trabaho, at mas magiging mabilis ang pagbubukas ng ekonomiya,” bahagi ni Fernando.
Ayon sa pinakahuling surveillance update nitong Enero 20, 2021 4PM na sa 11,201 COVID-19 na mga kaso sa Bulacan, 10,090 (90%) ang gumaling, 703 (6%) ang aktibong kaso 408 (4%) ang namatay. Sa kasalukuyan, 52 na mga bagong resulta ang nadagdag sa kabuuang bilang ng mga naitalang beripikadong kaso ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig
BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida. May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga […]
-
Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865
Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414. Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay. Nasa 16 naman ang bagong ulat […]
-
Ads April 6, 2021