• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakalaban niya si VM Yul ‘pag natuloy… GRETCHEN, matunog pa rin ang pangalan na tatakbong Vice Mayor

SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga-showbiz na possible pumalaot sa pulitika.

 

 

Siyempre sa Maynila ay andyan at nag-iikot na sa Tondo anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.

 

 

 

May mga pangalan pang lumutang pero hindi pa sila nagpaparamdam.

 

 

Isa sa matunog na pangalan na tatakbo raw bilang Vice Mayor ay ang aktres na si Gretchen Barretto. Makakalaban ng dating aktres kung sakali ay ang kasalukuyang bise alkalde at aktor na si Yul Servo.

 

 

İsa pa rin sa makakatapat ng dalawa ay si Ali Atienza na anak ng dating mayor na si Lito Atienza.

 

 

Si Yul ang bise ng incumbent mayor Honey Lacuna, Ali naman ang bise ng nagbabalik na si Yorme Isko Moreno at si Gretchen daw ay ka tiket ng isang independent candidate.

 

 

Matindi rin ang bakbakan para sa congressman, siyempre nangunguna pa rin sa survey si Cong. Ernix Dionisio ng first district.

 

 

***

 

 

PINAGPIPIYESTAHAN pa rin hanggang ngayon ang viral video ni Mark Anthony Fernandez.

 

 

Hindi pa man nakapagbigay ng paliwanag o reaksiyon ang aktor tungkol dito ay lumabas naman na meron din daw na mas interesting paanoorin.

 

 

Ito ay ang video scandal daw ni Aaron Villaflor.

 

 

Sabi nga may lumabas na meme na puro kayo Mark Anthony Fernandez, hindi n’yo pa nakikita ‘yung kay Aaron Villaflor?

 

 

Ano yun?

 

 

Ano nga na ang meron kay Aaron? Mas kagulat-gulat kaya ito kaysa ginawa ni Mark?

 

 

Ang kulang lang siguro ay may showbiz family tree si Mark na wala si Aaron.

 

 

Teka, nasaan na ba si Aaron? Relevant pa ba siya? Baka kaya may something?

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

    INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.     Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang […]

  • SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’

    ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.     Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online […]

  • Spoelstra gagawing consultant ng Gilas

    TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang ma­ging consultant ng Gilas Pilipinas.     Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia.     Kaya […]