• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakasama nila ni Dennis sina Andrea at Sid: BEA, excited sa serye na pagbabalik niya sa drama

NAGKAROON na ng story conference ang upcoming Kapuso series “Love Before Sunrise” na magpapabalik sa tambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, after twenty years na unang nagkasama sila sa ABS-CBN. 

 

 

Sa story conference, natanong si Dennis kung ano ang masasabi niya sa new series na gagawin, after “Maria Clara at Ibarra?

 

 

“Para siyang movie na dinala sa telebisyon,” sagot ni Dennis.  “It’s going to be film-like.”

 

 

Say naman ni Bea, “ito ulit ‘yung pagbabalik-drama ko. Ito ay maraming iyakan, masasakit na mga salita, masasakit na mga sitwasyon, kaya hayun excited akong gawin.”

 

 

Makakasama rin nina Dennis at Bea sina Andrea Torres and Sid Lucero, who were excited and nervous at the same time to do the show.

 

 

“Medyo talagang marami kaming eksena rito na magkakabanggaan kami nina Bea, Dennis and Sid,” sabi ni Andrea.

 

 

“I’ve been doing a lot of action lately, so it’s really nice to do a little bit more conversational and more emotional series,” sabi naman ni Sid.

 

 

Ang serye ay collaboration  ng GMA Network at Viu Philippines na ididirek ni Mark dela Cruz.  Ayon naman kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez, “this is one soap opera that will really go down in history.”  Ipalalabas ang serye this 2023.

 

 

Kasama pa rin sa cast sina Tetchie Agbayani, Isay Alvarez, Ricky Davao, Nadia Montenegro, Matet de Leon, Vaness del Moral, Sef Cadayona, Vince Maristela, Cheska Fausto, Rodjun Cruz, Juan Rodrigo, Teresa Loyzaga, Gary Estrada, Ayen Munji-Laurel, Simon Ibarra and Chanda Romero.

 

 

***

 

 

NAGSIMULA nang mapanood ang “AraBella” sa GMA Afternoon Prime pero wala pa ang character ni Althea Ablan dahil bata pa sila ng gumaganap na Ara sa story, played naman ni Shayne Sava.  Thankful si Althea dahil bida-kontrabida ang role ni Bella na tulad din sa una niyang serye na “Prima Donnas” na ang character niyang si Donnabelle, ay palaban at hindi nagpapaapi.

 

 

Sa story ay siya ang nawawalang anak ni Camille Prats na lumaki naman sa pangangalaga nina Nova Villa at Ronnie Lazaro. Ibang bata ang inampon ni Camille, si Ara.

 

 

“Ako po ang tunay na anak, pero lumaki akong maldita at si Shayne naman ang api-apihan sa story,” pagkukuwento ni Althea.

 

 

“Ganoon po kasi ang pagpapalaking ginawa sa akin, matapang ang personality ko, kasi ang intention nina Tita Nova ay kuwartahan lamang nila si Ate Camille.”

 

 

Happy si Althea to work again with Wendell Ramos, ang tatay nila nina Jillian Ward at Sofia Pablo sa “Prima Donnas,” at with Alfred Vargas, first time naman siyang maidirek ni Adolf Alix.

 

 

Sa kabila ng pag-arte ni Althea, hindi niya pinabayaan ang studies niya, she’s now in Grade 12 at pag-graduate daw niya, gusto niyang kumuha ng tourism or a business course, dahil nagsimula na siyang mag-invest ng kinikita niya in a take out food business, ang Gourmet in a Box.

 

 

“Sana po it will prosper, pero hindi ko pa rin iiwan ang first love ko, ang acting.  Sana po ay panoorin ninyo ang ‘AraBella’ daily, 3:25 PM, sa GMA-7.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • May napili ng kapalit ni Sinas bilang hepe ng PNP

    NAKAPAMILI na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kung sino ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na wala siyang go signal para isiwalat at ianunsyo sa publiko kung sino ang napisil ni Pangulong Duterte na magiging kapalit ni PNP chief Police General Debold Sinas, na […]

  • DINGDONG, sinamahan at all-out ang suporta sa pagiging hurado ni MARIAN sa ‘Miss Universe’

    ALAS-ONSE ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kasama rin ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na lumipad papuntang Eilat, Israel.     Kasama rin ang kanyang glam team  na pinangungunahan ni Steven Doloso at ilang staff ng Triple A.     All-out […]

  • AIR POLLUTION

    MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga […]