Makakasama sina Gabbi, Sanya at Kylie: SUNSHINE, balik-Kapuso na after ng isang project sa Kapamilya network
- Published on January 21, 2023
- by @peoplesbalita
MATAPOS ipaghanda at imbitahan ni Bea Alonzo sa isang merienda-dinner para sa kanilang Aeta neighbors sa Beati Farm sa Iba, Zambales, pinaratangan pa siya ng isang netizen na may Twitter account na @ALOyoutoo.
Inagaw raw niya ang lupa na pag-aari ng mga katutubo at tweet nito, “That’s nice, now how about giving their land back?ĺ
Kaya naglabas ng official statement ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law office upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira: “For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.
“Let this message serve as a stern and final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusations and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client. Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”
Handa rin si Atty. Garcia na sagutin ang lahat ng mga katanungan tungkol sa mali at mabigat na akusasyon laban kay Bea, at magsampa ng kaukulang reklamo kapag hindi binawi ng taong nag-umpisa ng paninira na ikinalat niya sa social media.
***
SUPORTADO pala ng Games and Amusements Board (GAB), ang nalalapit na first esports tournament ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Matapos makabalik si Alden sa 10-day Japan vacation niya with his family, dumalaw siya sa opisina ng GAB at na-meet niya ang newly-appointed GAB Chairman, si Atty. Richard Clarin.
Post ng GAB: “Myriad Entertainment Corporation, an Esports company owned by Mr. Richard Faulkerson, Jr., will have its first professional esports tournament on January 28, 2023, at the Ynares Sports Arena, Pasig City. Esport is one of the professional sports under the supervision and regulation of the Games and Amusements Board (GAB). The GAB gives its full support of the Philippine esports community, under the leadership of newly-appointed Chairman Atty. Richard Clarin.”
After the esports tournament, haharapin naman ni Alden and mga bagong projects na gagawin niya for GMA Network. Abangan din ang special interview ni Paolo Contis kay Alden para sa kanyang YouTube channel.
***
TIYAK na ikatutuwa ng mga fans ni Sunshine Dizon na balik-GMA Network na muli ang actress, pagkatapos ng first project niya sa Kapamilya network.
Kasama si Sunshine sa bagong GMA Primetime series na “Mga Lihim ni Urduja,” na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla. Special participation ang character na gagampanan ng actress. Matatandaan na magkakasama silang apat noon sa “Encantadia “ series, with Glaiza de Castro.
Ang “Mga Lihim ni Urduja” ay patuloy pang nagti-taping ngayon, pero sila raw ang ipapalit sa “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo na magtatapos na this February, 2023.
Napapanood ang serye gabi-gabi sa GMA-7, at 8PM, after ng “24 Oras.”
(NORA V. CALDERON)
-
Glass case sa palibot ng Nazereno, planong lagyan
PLANO ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9. Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil […]
-
Rice assistance sa MUPs, mapakikinabangan ng local farmers-PBBM
SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang rice assistance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa military and uniformed personnel (MUP) ay hindi lamang makatutulong sa mga opisyal at pamilya nito kundi maging sa mga lokal na magsasaka. Sa isang kalatas, pinuri ng DBM ang Administrative Order (AO) No. 26 ni Pangulong […]
-
9 nagbalangkas ng 1987 Constitution inendorso Robredo-Pangilinan sa 2022
ISANG ARAW bago ang ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, inendorso ng ilang framers ng Saligang Batas ang kandidatura nina presidental at vice presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan. Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag, na inilabas ngayong Huwebes, ay […]