• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumang  pangangailangan ng mga maapektuhang residente ng pinangangambahang pagputok ng bulkan.

 

 

Sa katunayan aniya ay tumawag na rin sa kanya si Defense Secretary Gibo Teodoro at nag-alok ng logistics ng kanilang ahensiya.

 

 

Bukod dito, nakausap na rin aniya niya si DILG secretary Benhur Abalos at nangakong magpapadala ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Samantala, sa pamamagitan ni Abalos, ang royal family ng Arab Emirates ay nagpadala na ng 50 toneladang food items sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Florita’ iniwan P33.7-M halagang pinsala sa imprastruktura, P3.4-M sa agrikultura

    MILYUNG -milyong halaga ng pinsala na ang idinulot ng nagdaang bagyong “Florita” sa buong Pilipinas sa ngayon ayon sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) — ito habang apektadong populasyon lumobo sa 71,468 katao.     Ayon sa NDRRMC, Biyernes, umabot na sa P33,700,000 halaga ng damage na ang naidulot ng sama ng […]

  • DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

    LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025     Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 […]

  • ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

    ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.     Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, […]