• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

 

 

Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , Undersecretary Carlos Quita na magdala ng kopya  ng preventive suspension order mula sa Office of the Ombudsman para kina ARTA Director-General Jeremiah Belgica, Deputy Director-Deneral Eduardo Bringas, Division chief Sheryl Pura-Sumagui, and Directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin.

 

 

Ang memorandum, na isinapubliko ay nagbigay atas din kay  Quita na magsumite ng  compliance report at certifications sa  Office of the Ombudsman at Office of the President.

 

 

Ipinag-utos kasi ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban sa mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na sina Belgica, deputy director general Eduardo Bringas, division chief Sheryl Pura-Sumagui, at directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Asperin.

 

 

“This is to secure and guard the integrity of all documents so that we cannot influence the investigation,” ayon kay Belgica.

 

 

Ayon naman sa Ombudsman mayroong malakas na ebidensya laban sa mga respondent na inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service na maaaring magresulta sa kanilang pagkatanggal sa serbisyo.

 

 

“Thus, in order to secure the documents and to prevent possible harassment of witnesses and considering that their continued stay in office may prejudice the case filed against them, they are hereby placed under preventive suspension for a period of six months,” sabi ng utos ng Ombudsman.

 

 

Ang suspensyon ay kaugnay ng reklamong isinampa ng DITO Telecommunity Inc. sa mga opisyal ng ARTA kaugnay ng kanilang mga naging aksyon pabor sa NOW Telecom Company Inc. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nagpalabas ng AO nagbibigay mandato sa episyenteng energy utilization sa mga tanggapan sa gobyerno

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng administrative order (AO) na direktang inaatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na pabilisin ang implementasyon ng Government Energy Management Program (GEMP) para masiguro ang “efficient and judicious utilization” ng enerhiya.     Ang Administrative Order No. 15 ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay ipinalabas ng Malakanyang […]

  • Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang

    MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang […]

  • Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles tinanggap na ang alok ni Marcos na maging press secretary

    NAPILI para susunod na pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) si radio commentator, lawyer at pro-Duterte blogger na si Atty. Rose Beatrix Cruz-Angeles (Trixie Cruz-Angeles).     Ito ang kinumpirma ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang pangunahing gawain ni Cruz-Angeles ay ang pangasiwaan ang mga operasyon ng PCOO […]