Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system.
Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels.
May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang party-list law sa halip na -rewrite o muling isulat ang 1987 Constitution, na may mandatong sectoral representation sa Kongreso.
“We defer to the wisdom of Congress. Hindi naman po nagli-legislate ang Presidente. If that is the solution of some senators, number one, of course it has legal basis; number two it would still depend on them,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sinabi ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite noong nakaraang linggo na ang abolition ay magreresulta ng “crackdown of representation for the poor and marginalized.”
Si Gaite ay miyembro ng Makabayan bloc of lawmakers kung saan inakusahan ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa rebeldeng komunista.
Sa kasalukuyan, nakatutok ang Mababang Kapulungan ng KOngreso sa pag-amiyenda ng “restrictive” economic provisions ng Constitution na naglalayong gawing mas “attractive” ang Pilipinas sa foreign investors.
Hinikayat naman ni Senator Panfilo Lacson ang Malakanyang na maging “a little bit more creative in accomplishing that objective without opening the floodgate to possibly tinker with the Constitution in its entirety.”
Sinabi naman ni House constitutional amendments committee chairperson Alfredo Garbin na hindi nila tatalakayin ang political sections ng charter ng bansa sa gitna ng espekulasyon na ang inisyatiba ay maaaring maging daan ng term extension para sa mga elective officials. (Daris Jose)
-
DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop
IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop. Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon […]
-
Ads February 19, 2024
-
Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!
DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey. Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Ang naturang percentage ng […]