• April 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, itinangging hindi binigyan ng medical attention si Digong Duterte

BINIGYAN ng medical attention si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kasunod ng pag-aresto sa kanya para sa kanyang kasong crimes against humanity.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press conference sa Malakanyang, na tinrato si Digong Duterte bilang isang dating Pangulo ng bansa at isang mamamayang Filipino.

 

”Hindi po ‘yan totoo dahil nu’ng panahon po na siya po ay nasa kustodiya na po, ang pagtrato po sa kanya ay ‘di po basta-basta,” ang sinabi ni Castro.

 

 

”Wala pong katotohanan na ‘di siya binigyan ng atensyon,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, sinabi ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Kitty Duterte na hindi umano pinahintulutan ng awtoridad ang kanyang ama na sumailalim sa medical procedure na kailangan nito.

Sa Instagram story ni Kitty nitong Martes ng hapon, Marso 11, makikita ang sulat ng doktor ng dating Pangulo.

 

 

“We are being illegally detained at 250th Presidential Airlift Wing Col. Jesus Villamor Air Base Pasay City. They aren’t allowing my dad to seek the medical attention he badly needs,” ang sinabi ng presidential daughter. (Daris Jose)

Other News
  • Administrasyon ni PBBM, patuloy na dinaragdagan ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa

    PATULOY na dinaragdagan ng administrasyong Marcos ang  Kadiwa stalls sa bansa  para makatulong sa mga mamimili sa gitna ng  tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at tulungan ang lokal at maliit na negosyo.     Personal na dumalo si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa paglulunsad ng  Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan, araw ng […]

  • Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

    IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.     Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]

  • Educational assistance sa HS students, binigay ni Cong. Tiangco

    NAMAHAGI si Congressman John Reynald Tiangco kahapon (Huwebes) ng educational assistance para sa mga junior high school students sa Navotas.   Nasa 1,100 mga estudyante mula sa mga pampublikong high school sa lungsod ang tatanggap ng P5,000 para sa school year 2019-2020.   Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga magulang na siguruhing sa pag-aaral ng kanilang […]