• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Mayor Aquino

KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.

 

Ang pangamba ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay simula na ito ng political violence bunsod ng papalapit na 2022 elections.

 

“Kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan. Nanunumbalik po kami at naalarma na dahil isang mayor po ang pinatay baka ito’y simula na naman ng patayan dahil sa pulitika sa panahon na papalapit na ang eleksyon,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang demokrasya po, tao po ang humahalal at ang ating panawagan, hayaan po nating maghalal ang taumbayan sa pamamagitan ng pagpili ng sa tingin nila ang pinakaepektibong mga mamumuno. At saka itong political violence po has no place in a democracy. Kinukondena po natin iyan,” dagdag na pahayag ni Sec Roque.

 

Sa ulat, napatay sa pakikipagbarilan di umano sa mga pulis ang alkalde ng Calbayog City, Samar na si Aquino.

 

Sinabing bukod sa alkalde, nasawi rin ang kanyang driver at security escort.

 

Isa pang pulis ang nasawi, at isa naman ang nasugatan.

 

Sa imbestigasyon, sakay ng van ang alkalde at mga kasama at inakala nilang sinusundan sila ng isa pang sasakyan.

 

Pinaputukan umano ng grupo ng alkalde ang mga sakay ng nakasunod na sasakyan na mga pulis pala.

 

Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ng alkalde at tatlong iba pa.

 

Sa Facebook post ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento, sinabi nito nangyari ang insidente sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.

 

Natadtad umano ng bala ang van ni Aquino.

 

Sa ulat, sinabing iniutos ni PNP chief Police General Debold Sinas sa regional police office ng Eastern Visayas na imbestigahan ang insidente. (Daris Jose)

Other News
  • OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine

    Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]

  • “Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.”       Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na […]

  • Eerie Revelation: ‘The First Omen’ Trailer and Poster Unveiled!

    GET a glimpse of 20th Century Studios’ ‘The First Omen’, a prequel to the iconic horror series. Set for an exclusive April 2024 cinema release, this psychological horror promises to chill and thrill. Starring Nell Tiger Free and more, directed by Arkasha Stevenson. April 2024 will mark the return of a horror legend to the […]