Malakanyang, labis na nalungkot sa nangyaring C-130 mishap sa Sulu
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero.
“Let us wait for the Armed Forces of the Philippines to release an update on this very unfortunate incident,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, may 17 ang kinumpirmang nasawi sa nangyaring pagbagsak ng C130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali.
Inanunsyo ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ilang oras matapos mangyari ang insidente ng plane crash sa Patikul, Sulu.
Ayon sa updated report, 92 personnel ang sakay ng naturang eroplano, kasama rito ang tatlong piloto at limang crew member.
Ang iba pang lulan ng eroplano ng Philippine Air Force ay mula sa puwersa ng Philippine Army.
Una nang naibalita ang pag-rescue sa 40 indibidwal at sumasailalim na sa gamutan sa 11th Infantry Division Hospital sa Busbus, Sulu.
Nanggaling ang eroplano sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, at ayon kay AFP chief Gen. Cirilito Sobejana, bumagsak ito matapos na malampasan ang runway.
“Na-miss niya yung runway trying to regain power, at hindi nakayanan, bumagsak dun sa may Barangay Bangkal, Patikul, Sulu,” sambit ni Sobejana. (Daris Jose)
-
Seguridad sa May 9 polls, ikinakasa na
IKINAKASA na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa gaganaping halalan sa Mayo 9 sa bansa. Nitong Biyernes ay nagsagawa ng Joint Command Conference sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo sina AFP Chief Gen. Andres Centino, PNP Chief Gen. […]
-
Dahil hindi pa tapos ang buhay… GELLI, hoping pa rin sa KathNiel dahil nagkabalikan sila ni ARIEL nang mag-break
ANG huling proyekto ni Gelli de Belen ay ang ‘2 Good 2 Be True’ ng Kapamilya Channel noong 2022. Bida rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na tulad ng alam na ng lahat ay hiwalay na matapos ang labing-isang taong relasyon. Hiningan namin si Gelli ng reaksyon tungkol sa breakup […]
-
The Musical Film Sensation ‘In the Heights’ Trailer Dances Its Way Into Oscars Telecast
DURING the live 93rd Academy Awards or the Oscars, Warner Bros. has released a new trailer for the upcoming big-screen adaptation of In The Heights, helmed by director Jon M. Chu and based on the Broadway musical by Lin-Manuel Miranda. The trailer introduced by the actor and musician comes on the heels of the recent release of the […]