• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang nagsimula nang mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto

NAGSIMULA na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mamahagi ng P20 milyong halaga ng ng proyekto sa mga barangay na inalisan ng presensiya ng New People’s Army (NPA).

 

Lumipad si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City, araw ng Biyernes para dumalo sa pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na nakatanggap ng P19 bilyong piso sa ilalim ng 2021 budget.

 

Sa ilalim ng alokasyon, may kabuuang 822 barangay ang inaasahan na makakakuha ng P20 million kada isa sa development assistance.

 

“We have 822 barangays under NPA influence cleared from 2016 to 2019. One hundred nineteen of these are in Region 10, iyong mga barangay captain, they are here to symbolically receive,” ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon.

 

“These barangays will have P20 million each. This is for farm-to-market roads, classrooms, electricity, health station, water system, irrigation…pag hindi kayo pumalakpak, hindi ko titigilan ito,” dagdag na pahayag ni Esperon.

 

Ang armed wing ng Communist Party of the Philippines, ang mga rebeldeng NPA ay palaging binabansagan ni Pangulong Duterte bilang terorista.

 

Nananatili namang nakabinbin sa Manila Regional Trial Court ang petisyon ng gobyerno na ideklarang terorista ang mga komunista.

 

Ayon kay Esperon, nakagawa na ang Department of Budget and Management ng circular para sa pagpapalabas ng budget, at nang sa gayon ay makapagsumite na ang Department of Interior and Local Government ng mga requirements sa lalong madaling panahon.

 

“We are ready to start on March 15, or upon your orders,” ayon kay Esperon.

 

Nanawagan naman si Pangulong Duterte sa mga rebeldeng nakikipagaban sa pamahalaan na ibaba ang kanilang armas at abandonahin ang kanilang pinaglalaban.

 

“You want to fight me, the government? I have plenty of tanks, I have many policemen, and I have many soldiers. You’re just trying to hold on to this war. In one of the encounters, maybe you will get shot and die for nothing,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Mandato ng NTF-ELCAC’s ay labanan ang komunismo sa pamamagitan ng “prioritizing and harmonizing the delivery of basic services and social development packages by the government”.

 

Sinasabing ang P19 billion budget ng NTF-ELCAC sa ilalim ng 2021 national budget ay napaliit dahil naglaan an pamahalaan ng ng P2.5 billion para pambili ng COVID-19 vaccines.

 

Kaagad namang naghanap ang mga kritiko ng gobyerno ng audit  ng multi-billion anti-insurgency fund.

 

“These are very large sums of money that we cannot afford to waste on potentially partisan political spending,” ayon kay Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite. (Daris Jose)

Other News
  • Laylo in, Sadora out sa World Chess Olympiad

    KINUHA ng National Chess Federation of the Philippines ang serbisyo ni Grandmaster Darwin Laylo na pinalitan si Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra para sa national team na sasabak sa 44th World Chess Olympiad sa Agosto 5 hanggang 18 sa Moscow, Russia.   “ Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra will be replaced by Grandmaster Darwin Laylo, […]

  • PBBM pinarerebyu ang disaster response

    NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.     Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong […]

  • Sangley Airport, pinasinayanan ni Duterte

    PINASINAYANAN ni President Rodrigo Duterte ang Sangley Airport development project na may layuning maibsan ang flight delays at air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa ngayon ay ongoing pa rin ang construction ng bagong commercial airport kung saan ito ay nakikitang magiging isang international hub.   “I vowed to ride my […]