• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, no comment pa kung dadalo si Pangulong Duterte sa proclamation rally ni Mayor Sarah Duterte- Carpio

SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na aalamin muna niya ang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong, Pebrero 8.

 

 

Ito’y upang malaman kung kasama ba sa itinerary ng Chief Executive ang pagdalo para sa proclamation rally ng anak niyang si Davao city Mayor Sarah Duterte – Carpio.

 

 

Sinabi Nograles, titingnan muna niya sa appointment’s office ang nakalinyang aktibidad ng Punong Ehekutibo bukas at mula duon ay madetermina kung sasaksihan ng Pangulo ang opisyal na pagkandidato ng alkalde.

 

 

“We’ll have to ask the Appointment’s Office with regard to that,” ayon kay Nograles.

 

 

Si Mayor Sarah ay matatandaang inadopt ng PDP-Laban Cusi wing bilang vice presidential candidate na siya ring partido ng Pangulo.

 

 

Gagawin ang proclamation rally ng Bongbong- Sarah tandem sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan bukas na siya ding opisyal na pangangampanya para sa mga tumatakbo sa national post. (Daris Jose)

Other News
  • AIKO, nagmukhang bata sa laki ng ipinayat at inakalang si MARTHENA sa kanyang post

    ANG laki na ng pinayat ni Aiko Melendez, kaya naman isa ‘yun sa napansin ng netizens nang mag-post siya sa IG account na kung saan na-complete na ang kanyang bakuna.     Caption niya, “2nd vaccine! Thank you Lord and to all the medical frontliners, volunteers. Dra Mariz Pecache for the assistance. Dra Fortun salamat […]

  • 11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH

    MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay  virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar  na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula […]

  • Mas mabigat na multa sa violators ng EDSA Carousel Lane

    SINIMULAN noong nakaraang Lunes ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga ilegal na gumagamit at dumadaan sa EDSA Carousel Lane.       Noong nakaraan Lunes ay mismong si LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ang siyang personal na namahala sa pagpapatupad […]