• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa

TINIYAK ng Malakanyang na  hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine.

 

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang  mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang mga papeles at magamit ang kanilang produkto sa bansang susuplayan nito.

 

Ani Sec. Roque, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa mga vaccine expert at sa Food and Drugs Administration (FDA), na siyang mag-aaral sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19.

 

Aniya, dalawa lang  ang magiging basehan kung maaaprubahan ang bakuna sa bansa, at ito ay ang safety at efficacy ng gamot. (Daris Jose)

Other News
  • Misyon ng AFP nagbago sa gitna ng problema sa South China Sea

    NAGBAGO na ang misyon ng  Armed Forces of the Philippines  (AFP) sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kumpetisyon ng “superpowers.”     Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea p ang itinuturing na […]

  • PDu30 sa kaibigan na si Putin: Huwag idamay ang mga sibilyan

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang “kaibigan” na si Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng pag-iingat na huwag madamay ang mga sibilyan sa kanilang pag-atake.     Ito’y sa gitna ng alalahanin ukol sa tumataas ng bilang ng mga namamatay na sibilyan dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.   […]

  • Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona

    ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila.  Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz.   Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina   Crystal Jacinto […]