• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday

UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.

 

Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga ito.

 

“May mga grupo na nag-declare ng pork holiday, meron rin pong nanawagan ng pagkain ng alternative protein sources. Sinusuportahan po natin iyong panawagan for consuming alternative protein sources, pero nakikiusap po kami sa mga nagtitinda ng baboy na ipagpatuloy nyo po ang pagtitinda,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ikinasa ang pork holiday sa unang araw ng implementasyon ng price ceiling na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang tugon sa naging kahilingan ng Department of Agriculture (DA) at apela ni Sen. Bong Go.

 

Ipinag-utos na ni Pangulong Duterte ang pagtatakda ng price ceiling na pipigil sa pagtaas ng presyo ng produktong baboy at manok.

 

Sa Executive Order 124 na nilagdaan ng Pangulo, itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo samantalang ang liempo ay P300 kada kilo.

 

Ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo.

 

Ang nasabing price ceiling ay epektibo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

 

Dahil sa price cap,  maraming pork stalls sa mga pamilihang katulad ng Balintawak, Divisoria at Trabajo ang nakiisa sa pork holiday, araw ng Lunes.

 

“The government will source pork from areas not hit by the ASF, and pointed out that South Cotabato-based culling groups can supply 10,000 heads of hogs weekly for Metro Manila alone. Gobyerno na po ang magpapakalat nito sa merkado,” ayon kay Sec.Roque.

 

Aniya, ang farmgate price ng baboy ay P145 per kilo, at ang transportation subsidy para sa supply ng baboy na magmumula sa rehiyon ng Mindanao, Visayas at lalawigan ng Luzon ay P21, P15 at 10.

 

Nauna rito, nagkaisa namang sinabi ng mga pork vendors na ang price cap ang nagtulak sa kanila para magsagawa ng pork holiday.

 

 

Para naman kay Sec. Roque, inaasahan na ng gobyerno na ganito ang maagiging tugon ng mga pork vendors subalitk kailangan din na ikunsidera ng mga ito ang tulong na magmumula sa pamahalaan.

 

“Sinabi naman po ng economists na makakapaekto sa supply ang price cap, pero 10,000 a week ang manggagaling sa South Cotabato alone, at inaayos rin po ng DAang ibang panggagalingan ng supply,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“Anticipated naman po natin ‘yan (pork holiday), pero kinakailangan pong gawin po ‘yan (price cap),” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang kawani ng PDEA nahulian ng P9-M halaga ng droga

    ARESTADO  ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.     Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.     Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na […]

  • “No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

    WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.   Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]

  • 3 timbog sa P183K shabu sa Malabon

    BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alias “Atan”, […]