Malaking opportunity ito para sa Kapamilya actress: DIMPLES, isa sa napiling maging juror para sa ‘International Emmy Awards’
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
PARANG negative sa ilan base sa nababasa naming comments at naririnig ang pag-attend ng Kapuso star na si Sanya Lopez sa ginawang oathtaking ng bagong Vice President ng bansa simula sa July 1 na si Sara Duterte.
Sa Davao pa ang oathtaking at kasama ng ilang big bosses ng GMA-7 ay tila very proud nga si Sanya na nasa naturang event.
Ang medyo nakaka-off, during the campaign, quiet lang ito tungkol sa pulitika. At higit sa lahat, ang tema ng kanyang malapit na rin magtapos na primetime series, ang First Lady ay tungkol sa pulitika.
Kung napapanood ito, tila kabaligtaran kasi sa takbo ng kuwento ng First Lady ang imahe ng mga mauupong mga lider ngayon sa bagong administrasyon. At dahil present si Sanya sa ginanap na oathtaking, kasama ang mga known Duterte at BBM supporters, tila nabahiran tuloy ng political affiliation ang actress.
Anyway, wagi naman siya sa mga comments sa social media dahil una, natuwa ang mga BBM at Duterte supporters na kaisa rin pala siya. At in all fairness, ang ganda ng ani Sanya in her green terno.
At kahit kumakalat na ang balitang ang girlfriend pala ni Sandro Marcos ay ang sexy star na si Alexa Miro, may mga nagsisipag-ship na sa kanilang dalawa ng presidentiable son.
***
TALAGA nga palang bongga ang surprise ng Kapamilya actress na si Dimples Romana kaya naman pigil na pigil ito noong una na mai-reveal.
Malaking opportunity para kay Dimples ang pasabog niya. Through her social media accounts, ni-reveal ni Dimples na isa siya sa napiling maging juror para prestihiyosong International Emmy Awards.
Malapit na rin namang ipanganak ni Dimples ang ikatlong anak nila ng asawa na si Bohyet Ahmee at sa November of this year pa naman para siya kakailangang pumunta sa New York. So by that time, naka-recover na siya sa panganganak.
Narito ang official statement ni Dimples.
“Magandang umaga,
“Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months!
And now finally I can officially share my joy with you.
“So honored and grateful to have been able to participate as a juror for this year’s prestigious International Emmy Awards International Emmy Awards Competition ☺️ I’m super kilig!!! 😁. I thank the International Academy of Television Arts & Sciences for letting me have this once in a lifetime experience that has truly inspired my thespian heart.
“Contributing in selecting the BEST TELEVISION programming from around the WORLD was both my honor and pleasure.
“Maraming Maraming Salamat po muli! And I can’t wait to join in on the festivities in New York City come November.
“Blessings upon blessings.”
(ROSE GARCIA)
-
4 hrs/day teaching time, hirit ng mga guro
UMAAPELA ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers at gawin itong apat na oras na lamang kada araw. Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na […]
-
Navotas ammonia leak, 2 na ang patay – CDRRMO
Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa ammonia leak na naitala sa TP Marcelo ice plant and cold storage sa Navotas City. Mula sa isang namatay kagabi, dalawa na umano ngayon ang binawian ng buhay dahil sa naturang pangyayari. Ang unang namatay ay nakilalang si Gilbert Tiangco, habang ang isa […]
-
ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES
Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City. Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang […]