• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malapit nang mapanood ang ‘Start-Up PH’ nila ni Bea: ALDEN, natuwa dahil makapagmo-mall show na uli after three years

MAGSISIMULA na ang promo ng “Start-Up PH” ng GMA Network na first team-up nina Bea Alonzo at Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. 

 

 

Ngayong Saturday, August 6, ang simula ng Kapuso Mall Show nila, na magaganap sa Ayala Center Cebu, in Cebu City, at 5PM.  Makakasama ni Alden ang mga co-actors niyang sina Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon at Royce Cabrera, ang bumubuo ng barkada niya sa serye na idinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

Sa serye, Alden plays the role of Tristan, the Good Boy, pero first time siyang gaganap na sa simula pa lamang ay masungit na ang role niya,

 

 

“Pero may konti naman akong bait, hindi nga lamang ako showy na ipakita ito sa mga kasama ko,” kuwento ni Alden.

 

 

“Pero without question, tinanggap ko ang role na iyon, isang opportunity iyon na makagawa naman ako ng ibang character dahil ever since, lagi akong mabait.  Kaya dito, totally babaguhin ko at pinag-aralan ko ang new life style ko.

 

 

“First time ko rin na makagawa ng isang Korean adaptation. At ang isa pa, ay muling nakasama sa isang project si Director Gina Alajar.”

 

 

Natuwa si Alden na may mall show na sila ngayon, dahil nakaka-miss na raw and for almost three years ng pandemic ay hindi nila nagawa iyon.

 

 

Very soon ay mapapanood na sa GMA Telebabad ang ‘Start-Up PH’.

 

 

***

 

 

NASORPRESA pala si Mr. M (Johnny Manahan), Sparkle GMA Artist Center’s consultant, at star builder, nang makaharap niya, face-to-face some of the biggest names in the Kapuso Network during the Thanksgiving Gala Night last July 30.

 

 

Simula raw kasi nang lumipat siya sa GMA, nakikita lamang niya sila virtually for a year.

 

 

“Masaya at nakita ko na, face-to-face, ‘yung mga artista,” pahayag ni Mr. M. “Mas maganda sila sa personal, and I think they’re having a nice time.  ‘Yung iba, na-imagine ko, maliit lang, matangkad pala, iyong iba, malapad, hindi pala.

 

 

“Halos lahat sila magaganda naman, so I’m glad I got the chance to see them in person.”

 

 

***

 

 

NAKATANGGAP ng nominations ang mga Kapuso artists mula sa “Tiktok Awards Philippines 2022” last Tuesday, August 2.

 

 

This year, ang nominated content creators and stars ay maglalaban-laban sa six awards: Popular Creator of the Year, Celebrity of the Year, POP Group of the Year, Livestreamer of the Year, Rising Star of the Year, and Rising Live Star of the Year.

 

 

Ang mga Kapuso nominees ay sina Althea Ablan, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Dasuri Choi, and Kapuso girl group XOXO.  Sina Althea, Kyline, Cassy and Dasuri are competring for the Celebrity of the Year award at ang XOXO (Riel, Lyra, Dani, and Mel) is one of the nominees for the POP Group of the Year.

 

 

Visit the TikTok voting page, para malaman kung paano boboto sa gusto ninyong suportahan, until August 12. You can cast more votes by following the profiles of Globe Telecom and TikTokAwardsPH.

 

 

Winners will be announced on August 20, 7PM on TikTok LIVE!

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads May 26, 2021

  • Tyson lalabanan muli si Lewis

    Inanunsiyo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaniyang lalabanan ang dati ring kampeon na si Lennox Lewis.     Sinabi nito na gaganapin ang laban ng dalawa sa Los Angeles sa buwan ng Setyembre.     Paglilinaw din nito, hindi na matutuloy ang nilulutong muling paghaharap niya kay Evander Holyfield.     Mas […]

  • Shelter cluster sa Luzon, binuhay ng DHSUD

    NAG-ISYU si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region, upang bigyang-buhay muli ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Julian.     Sabi […]