• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malinta pumping station, 2 school buildings binuksan sa Valenzuela

ALINSUNOD sa pagdiriwang ng 26th Charter Day ng Valenzuela City, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong gawang Malinta Pumping Station, at dalawang bagong gusali ng Pinalagad Elementary School sa Barangay Malinta.

 

 

Ang bagong gawang pumphouse ay matatagpuan sa Barangay Malinta na isang mahalagang proyekto ng Lungsod bilang solusyon para maiwasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa mababang lugar ng Malinta at mga karatig barangay ng Lungsod ng Malabon.

 

 

Sa kasalukuyan, may kabuuang bilang na 24 pumping station ang lungsod kabilang itong bagong bukas na pumphouse na may tatlong unit ng 270-horsepower water pump na may kapasidad na 2 cubic meters para sa bawat pump at isang 500 KW electric generator para sa backup.

 

 

Bukod dito, pinangunahan din ni Mayor WES ang pagbubukas ng dalawang bagong 4-storey school building sa Pinalagad, Barangay Malinta na nakatayo sa 300-square-meter na lote na donasyon ng pamilya Gan kung saan mayroon itong 24 na silid-aralan, isang activity center, isang cafeteria, at isang administrative at faculty office.

 

 

Ang bagong Pinalagad Elementary School na ito ay maaaring tumanggap ng humigit-kumulang 1,000 mag-aaral bawat araw at tumutugon sa pangangailangang magtayo ng bagong paaralan sa loob ng komunidad ng Pinalagad.

 

 

Sa kanyang maikling pahayag, ibinahagi ni Mayor WES ang kanyang inspirasyon kung paano siya nakabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa Pamilyang Valenzuelano sa Sitio Pinalagad.

 

 

“Sa totoo lang, hindi ko po nakikita ang vision noong panahon, dahil alam kong napakasikip ng lugar natin. Nagsisikipan ang mga bahay dito, nagsisiksikan ang mga tao dito, dahil wala po tayong lupa. Pero pwede palang mangyari ang isang bagay na akala natin ay imposible. Dito sa Pinalagad ay nagtayo po tayo ng gusali na maaaring magbigay ng classroom sa mahigit isang libong estudyante,” aniya.

 

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor WES kay Mr. Kelvin Gan at sa kanyang pamilya sa pagbibigay ng lote kung saan matatagpuan ang bagong pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

Other News
  • COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

    TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.   Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.   Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) […]

  • BABAYARAN ANG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

    MAY isang salita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sabihin nito na babayaran ng pamahalaan ang obligasyon nito sa Philippine Red Cross (PRC).   “The President has given his commitment that the government will pay its obligation to the PRC,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.   Idagdag pa ang pagbibigay ng legal na opinyon […]

  • Naire-record na average COVID test kada araw, umakyat na sa 10,000

    UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno.   Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng  datos na ipinresenta nito na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa Corona virus test.   Ayon kay Galvez, […]