“MALUSOG NA BATO SA PANDEMYA” AT NATIONAL KIDNEY MONTH 2020
- Published on July 18, 2020
- by @peoplesbalita
Ang buwan ng Hunyo sa ating bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 184 (1993, President Fidel Ramos) ay kinikilala bilang National Kidney Month.
Tinatayang 20% ng pambansang populasyon o 21.4 million ay nakararanas ng problema sa bato base sa glomerular filtration rate na sumusukat ng kapasidad ng ating bato.
.
Kabilang sa mga sakit sa bato ang Chronic Kidney Disease, kidney stones, Glomerulonephritis, Polycystic Kidney Disease at Urinary Tract Infections.
Ika-pitong pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Filipno ang CKD, isa ang tinatamaan nito bawat oras o halos 9,000 bawat taon.
Sa kasalukuyan, nasa halos 80,000 na ang regular na sumasailalim sa Dialysis at mahaba ang pila para sa kidney transfer na naisasagawa lamang sa 400 pasyente kada taon.
Maiiwasan na ang CKD basta maagapan ang dalawang pangunahing sanhi nito, ang hypertension at ang diabetes.
Dahil sa high blood pressure, sumisikip at humihina ang mga ugat sa bato kaya hindi sapat ang blood supply na napupunta rito.
Napag-alaman naman na 40% ng mga taong may Type 1 diabetes ay magkakaroon ng kidney failure habang ang mga nasa Type II diabetes ay makararanas nito sa loob ng limang taon buhat sa pagkakasakit.
Ang bato ang mahalagang bahagi ng ating urinary system, mayroon itong vital life-maintaining function bilang monitor and regulator of body fluid.
Ang inilaabas nating ihi ay dumi mula sa ihiniwalay na sustansiya ng ating bato.
Gumagawa ito ng mga kemikal na katulad ng erythropoietin at angiotensin para mapanatiling malusog ang ating katawan at sinasala ang kabuuan ng blood supply kada dalawang minuto.
Sa panahong dumaranas tayo ng Corona Virus Disease-2019, kailangan na malakas ang ating mga bato para mas mabilis na malabanan ang delikadong virus.
Sa rami ng gamot na kailangang inumin, dapat na matibay ang mga kidney para kayanin ito ng ating katawan.
Para mapanatiling malusog ang mga bato, ayon sa mga eksperto, makatutuong ang regular exercise, magkaroon ng healthy diet, at mapanatili ang ideal body weight na 52.3 kilograms sa lalaki at 47.8 kgs. sa mga babae na 5 feet and above.
Iwasan din ang paninigarilyo, huwag masyadong mag-rely kaagad sa pag-inom ng mga over-the-counter pain killers at maging ng herbal medicines na hindi sumasangguni sa doktor.
Uminom ng maraming tubig bawat araw, iwasan ang masyadong maaalat na pagkain, at maglaan ng panahon para sa physical check-up bawat taon, lalong-lalo na kung mayroong family history ng hypertension, diabetes o renal failure.
-
Gilas Pilipinas nasa Bahrain para sa FIBA Asia qualifiers
Nasa Bahrain na ang Gilas Pilipinas para pakikibahagi ng second round ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. Pinangunahan nina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Matt at Mike Nieto, Kobe Paras, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, Juan Gomez de Liano, Dwight Ramos, Will Navarro, Dave Ildefonso, Calvin Oftana at Kenmark Carino. Tiwala […]
-
Alas, Phoenix ‘di naging maayos ang hiwalayan
HINDI naging maganda ang paghihiwalay ng Phoenix LPG Superkalan at ni coach Francisco Luis (Louie) Alas habang nakatengga pa rin ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 sanhi ng COVID-19. Nitong nagdaang Biyernes, Setyembre 11 nagpakalat ng statement ang Fuel Masters na sinisipa na ang stint ni Alas bilang coach ng koponan. May […]
-
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpaalam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo. Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at […]