• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mambabatas, itinutulak ang unemployment insurance kaysa ayuda

IPINANUKALA ngayon ni Albay Representative Joey Salceda ang pagkakaroon ng mga manggagawa ng unemployment insurance.

 

 

Ito ay imbes na mamamahagi ang pamahalaan ng ayuda para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa bansa.

 

 

Punto ng ekonomistang mambabatas na ang pagtaas ng unemployment rate sa 6 percent na naitala sa buwan ng Mayo ay patuloy na nakakaapekto sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya.

 

 

Ayon kay Salceda, mayroong mga empleyado at manggagawa na kamakailan lang ay nawalan ng trabaho at papunta na sa paghihirap pero ang ating kasalukuyang social benefits system ay hindi sapat para makatugon sa kanilang pangangailangan.

 

 

Ikinabahala rin ng kongresista na nalagpasan pa ng bilang ng mga walang trabaho na nasa 770,000 ang bilang ng mga bagong miyembro ng labor force na nasa 550,000.

 

 

Hindi na rin aniya sapat ang pansamantalang ‘cash-for-work programs’ para tugunan ang mga isyung kinakaharap na humahadlang sa pagdami ng mga trabaho.

 

 

Dahil dito ay, nanawagan ang kinatawan sa pamahalaan na maging agresibo paglikha ng trabaho upang makaagapay at mabigyan ang mga nawalan ng hanapbuhay.  (Daris Jose)

Other News
  • DOF nababahala sa epekto nang pagsuspinde sa premium hike ng PhilHealth

    Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa magiging epekto sa PhilHealth nang suspensyon sa nakatakdang pagtaas nang premium rate ng kanilang mga contributors     Sa pagdinig ng House Committee on Health kahapon, sinabi ni Deputy Treasurer Sharon P. Almanza ng Bureau of Treasury na ayon sa DOF na malaki ang epekto ng suspensyon sa […]

  • Pacquiao alangan kay Golovkin

    SOBRANG bigat.   Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.   Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine […]

  • Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

    Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.     Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.     “I apologize […]