Mambabatas , nanawagan sa DBM na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensiya na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu para pondohan ang operasyon ng lokal na pamahalaan.
Ang apela ay ginawa ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman kasunod ng pinal na pagdedeklara ng Supreme Court sa hindi pagsama ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Hindi maaaring maantala ang mga serbisyong ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na tiyakin ang pondo para sa lalawigan. Karapatan ito ng bawat mamamayan sa Sulu mula sa national government,” ani Hataman.
Una nang nagdesisyon ang SC sa ilang motions for reconsideration para exclusion ng Sulu mula sa BARMM.
Ayon kay Hataman, ang hindi pagkakasali ng Sulu sa BARMM ay nangangahulugan na ang national government ang may direktang responsibilidad para sa paglalaan ng pondo dito.
Sa ikalawang pagdinig para sa panukalang paglilipat ng BARMM elections mula 2025 sa May 2026, sinabi ni Hataman sa DBM na maghanap ng paraan upang makapaglaan ng pondo sa Sulu, na nasa tinatayang P9 billion base sa datos mula sa ilang opisyal ng BARMM.
Dahil hindi isinama ng SC ang Sulu sa BARMM sa desisyon nito kamakailan, ay walang pondo para sa Sulu a ilalim ng panukalang P6.352 trillion national budget para sa taong 2025.
Sinabi ni Hataman na ang mga serbisyong pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkabuhayan ay dapat magpatuloy nang walang pagkaantala, kasama na ang pa-suweldo sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.
“Kailangang planuhin nang maayos ang proseso ng transisyon. Malaki ang epekto ng exclusion ng Sulu sa BARMM, kaya kailangan itong tutukan,” dagdag ni Hataman .
Dapat din aniyang mag-usap ang national at provincial government kung paano sosolusyunan ang problemang ito.
“Sana ay magkaroon ng plano ang gobyerno para siguruhin ang kapakanan ng mga taga-Sulu dahil walang pondo ang lalawigan sa 2025 proposed national budget,” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)
-
Super excited dahil idol ang female rockstar: ICE, kinilig nang makumpirmang special guest sa two-night concert ni ALANIS MORISSETTE
KINILIG ng sobra and multi-platinum recording artist na si Ice Seguerra nang makumpirma na siya ang napiling special guest para mag-open ng concert ng international female rockstar na si Alanis Morissette na magaganap sa Mall of Asia Arena, na kung saan sold out na ang August 1. Kaya last April, in-announce na ng […]
-
WHO, suportado ang third Covid-19 dose
INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable […]
-
Marcoses, dapat papanagutin para sa pagkamatay at pang-aapi kay Ninoy — Aquino family
NANINIWALA ang pamilya Aquino na dapat papanagutin ang mga Marcoses para sa pagkamatay at pang-aapi sa pinaslang na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. 41 taon na ang nakalilipas. Ang pahayag na ito ng pamilya Aquino ay itinaon sa 92nd birth anniversary ni Ninoy, araw ng Miyerkules, Nov. 27, at isang […]