• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manibela naghain ng kasong graft laban sa mga opisyales ng DOTr

NAGHAIN ng isang kasong graft ang grupo sa transportasyon na Manibela laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

Sa isang limang (5) pahina na complaint na inihain ng Manibela sa Office of the Ombudsman, sinabi nila ang mga opisyal ay lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa hindi pagbibigay ng “due process” habang kanilang tinutulak ang PUVMP.

 

 

Ang mga respondents sa kasong inihain ng Manibela ay sina Transportation Secretary Jaime J. Bautista, Office of Transport Cooperatives chairman Ferdinand Ortega, Land Transportation Ferdinand Ortega, Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Teofilo Guadiz III at Solicitor General Menardo Guevarra.

 

 

Ayon sa Manibela maraming nilabag ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB, OTC at kasama ang solicitor general.

 

 

“Many violations have been committed by officials of the DOTr, LTFRB, OTC and the solicitor general is also included. We were abused and our rights have been violated which deprived us from our livelihood,” wika ni Manibela chairman Mar Valbuena.

 

 

Binigyan diin ni Valbuena na ang kanilang karapatang pangtao ay inabuso sapagkat inalisan sila ng pagkukunan ng kanilang kabuhayan na siyang nakalagay at nakasaad sa isang Memorandum Circular No. 2023-051.

 

 

Sa nasabing memorandum, ang mga PUV drivers at operators ay kinakailangan magkaron ng consolidation ng prangkisa upang makapagtayo ng isang kooperatiba o korporasyon na ang deadline ay noong nakaraang Dec. 31, 2023 at kung hindi magagawa ay nakalagay sa memorandum na ang kanilang mga prankisa ay mawawalang bisa.

 

 

Ang nasabing deadline ay nagkaron ng extension na binigay ni President Marcos hanggang April 30, 2024 na ayon sa grupong transportasyon ay isa lamang “minor victory” sa kanilang hanay.

 

 

Nang hingan ng kumento si DOTR Secretary Bautista kung nabigyan na sila ng nasabing complaint ay wala pa daw silang natatangap sa ngayon. Dagdag pa niya na kanilang pag-aaralan ang mga charges at kung saan sila ay magkakaron ng isang “respond at the appropriate time or forum.”

 

 

“We assure the general public that in implementing the PUV Modernization Program, DOTr and its attached agencies endeavor to strictly comply with pertinent provisions of the 1987 Constitution, as well as relevant laws and jurisprudence,” saad ni Bautista.

 

 

Ang komento naman ni SolGen Guevarra tungkol sa  nasabing complaint ay ang nakalagay na argumento ng Manibela ay katulad din lang naman ng ibang grupong transportasyon na inihain sa Supreme Court noong Dec. 20, 2023.

 

 

“As legal counsel of the government, the OSG acted in accordance with its lawful mandate,” dagdag ni Guevarra.

 

 

Noong Dec. 2023 ay naghain ng isang petisyon na pinangungunahan ng PISTON kung saan sila ay humihingi na ihinto ang pagpapatupad ng programa sa PUV consolidation at upang ideklara na unconstitutional ang PUVMP.

 

 

Subalit ang Supreme Court (SC) ay hindi nag- issue ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang nasabing programa sa consolidation. At dahil dito, muling naghain ng isa pang petisyon ang grupo sa transportasyon.

 

 

Ngayon nakaraan Jan. 5, ayon sa LTFRB ay may 73 porsiento na ng mga jeepneys sa buong bansa ang nagkaron ng consolidation sa ilalim ng PUVMP ng pamahalaan. LASACMAR

Other News
  • Lola patay sa sunog sa Caloocan

    ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.     Natagpuan ang katawan ng biktimang si Joanna Macawili, 65, ng mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) sa bathtub ng nasunog nilang bahay sa Marigold Street, BF Homes, Barangay 168.     […]

  • KRIS, itinanggi na nagpapataas ng talent fee kaya ‘di ni-renew ng GMA Network

    NAKAUSAP na namin dati pa si Kris Bernal bago siya nag-vlog tungkol sa pagkawala niya sa Kapuso network.     Tinanong din namin siya kung may sama ba siya ng loob, apprehensive pa itong umamin pero sinabi rin niya na, “Yes, oo, at first, nakaramdam ako ng kahit paano, sama ng loob, kasi ang tagal ko na […]

  • First ‘Agnes’ Trailer and Photos Teases Classic Exorcism Horror Film

    AS the 2021 Tribeca Film Festival ramps up, we’re getting more and more hints at the films featured at the festival, including the upcoming nun horror film Agnes, and will have its world premiere on June 12.     Directed by Mickey Reece, behind indie hits like Climate of the Hunter and T-Rex, Agnes follows a priest-in-waiting and his jaded mentor as […]