• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Bay Cleanup Compliance, nasungkit ng Navotas

NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 94.2% na marka sa 2019 Assessment of Compliance of Local Government Units to Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

 

Kasama ang Navotas sa top five na mga LGU na nagtaguyod ng Supreme Court mandamus na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na linisin, ayusin at ipreserba ang Manila Bay at ibalik ang water quality nito para pwede ng paglanguyan o gamitin sa contact recreation.

 

Hinikayat ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño at opisyal ng barangay na ipagpatuloy ang pagsisikap na manatiling malinis ang mga katubigan sa lungsod.

 

“Ang pangingisda ang ating pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at bilang fishing community, dapat binibigyan natin ng lubos na pagpapahalaga ang kalusugan at kondisyon ng ating mga dagat at ilog,” ani Mayor. “May mga polisiya at programa tayo para mapanatiling malinis ang ating mga dagat at ilog at ibalik ang water quality nito sa swimming level. Ngunit, kailangan natin ang suporta at pakikilahok ng lahat para magtagumpay ang mga polisiya at programang ito.”

 

Ipinapatupad ng Navotas ang mga ordinansa ukol sa anti-littering, maayos na sewage at septage sa mga kabahayan, opisina at establisimiyento, at iba pa.

 

Aktibo rin itong nakikilahok sa Battle for Manila Bay clean-up drive at nakakolekta ito ng 2,267,087 kilo ng basura noong Enero hanggang Disyembre 2019.

 

Dagdag pa rito, patuloy na nagsisikap ang lungsod na makapagbigay ng bagong tahanan sa mga informal settler families na nakatira sa tabing-dagat o ilog.

 

Ang Department of Environment and Natural Resources at San Miguel Corp., sa kabilang banda, ay nagsimula ng magsagawa ng sustainable dredging program para sa Tullahan-Tinajeros river system.

 

Maliban sa pagtanggal ng silt, debris at basura sa ilalim ng ilog, inaasahang makatutulong ang dredging program para maiwasan ang pagbaha sa Bulacan. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 binata timbog sa marijuana

    KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.   Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.   Sa […]

  • Napikon dahil nahulog pa sa sofa: CARMINA, ‘di makalimutan ang masakit na sampal ng kaeksenang aktres

    HINDI raw makalilimutan ni Carmina Villarroel ang masakit na sampal na natanggap niya mula sa isang aktres.   Sa podcast na Wala Pa Kaming Title, kinuwento ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ star ang naging experience niya sa eksenang iyon.   “May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame […]

  • VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE

    KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan […]