MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.
Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, Laguna.
Naganap umano ang insidente dakong alas-11:05 kahapon ng umaga sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St Paco nang dikitan ng suspek ang sasakyan ng biktima.
Ayon sa ulat ang mga suspek ay nakasakay umano sa kulay itim na SUV na may Plate number na ABG 8133.
Huli umanong nakita ang suspek sa westbound ng Quirino papunta sa Roxas Boulevard nang tumakas.
Samantala,kinondena naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ,ang ginawang pag ambush kay Senados.
Inatasan rin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na kaagad magsagawa ng sariling imbeatigasyon sa pagpatay kay Senados.
“we are shocked by the audacity of this attack. it highlights once again the grave peril that our prosecutors face each day in the discharge of their duties. i have ordered the NBI to immediately step in and investigate this horrible murder,”ayon kay Guevarra.
Nalaman na isa sa kontrobersiyal na kaso na huling ini-inquest kay Senados ay noong Oktubre 2019 na may kaugnayan sa ginawang pamamaslang kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Vito Cruz ,Sampaloc,Maynila.
Nabatid na iniutos umano ni Senados ang pagpapalaya sa apat na suspek na sina Bradford Solis, Juanito de Luna, Junel Gomez at Rigor de la Cruz kung saan “referred for further investigation” ang naging resolusyon ni Senados. (GENE ADSUARA)
-
Ads April 27, 2022
-
Quarantine wristbands inilunsad vs COVID-19
Naniniwala ang Caloocan City government na malaking tulong ang paggamit ng quarantine wristbands simula ngayong Lunes para sa monitoring ng mga naging close contact ng mga pasyenteng may COViD-19. Ayon kay Caloocan COViD-19 Command Center head Sikini Labastilla, ang paglulunsad ng quarantine wristband ay bunsod na rin ng pagsuway ng ilang close contact sa […]
-
DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño
PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan. “Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng […]