MANILA HEALTH WORKERS, BUWIS-BUHAY PERO…
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
KUMPARA sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa, hindi nabibigyan ng tamang kalinga at malasakit aqng mga barangay health workers ng Maynila.
“Naririnig natin, maayos daw ang honorarium at benefits ng health workers natin, pero kabaligtaran ito. Hindi siya nabibigyang halaga ng city government, pati ang ating mga barangay tanod na palaging nakaumang sa panganib subalit hindi sila nabibigyan ng sapat na honorarium at benepisyo,” sabi ni Atty. Alex Lopez,
Tanong niya, bakit idinadaing ng mga barangay health workers na wala silang natatanggap na honoraria mula sa Manila City hall.
Kung may nabibibigay, ang honoraria ay galing mismo sa sariling pondo ng barangay.
“Bakit po hanggang ngayon, wala silang natatanggap, kailangan po ng honoraria ang ating mga frontliner, tulad ng barangay health workers. Ilang taon na ang Covid-19, wala pa rin,” sabi ng mayoralty candidate ng PFP.
Nalulungkot siya, sabi ni Lopez na napag-iiwanan ang health frontliners ng Maynila.
“Bakit ang Quezon City, may honoraria at kahit ang maliliit na bayan, pero bakit wala sa Maynila?” tanong ni Atty. Lopez.
Kung ang ibang bayan at lungsod ay nabibigyan ng sapat na benepisyo ang mga nagtataya ng buhay laban sa Covid-19, bakit hindi magawa sa Maynila.
“Napakalaki ng pondong pumapasok sa lungsod. Napakarami pong pera, umutang pa nga ng bilyon-bilyong piso, nakakalungkot po, talagang hindi ko maintindihan kung saan dinadala ang pera ng Manilenyo,” sabi ni Atty. Lopez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pangulong Marcos, ipinaabot sa publiko ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2023
IPINAABOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagbati habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Chinese New Year 2023. Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, nakikilala ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad, at bilang isang bansa. Aniya, habang ipinagdiriwang ang bagong taon […]
-
Dahil nagkaroon ng family emergency si Direk Dom: DINGDONG, muling nakapag-direk sa pinagbibidahang ‘Royal Blood’
THE long wait is over dahil mamayang gabi, muling masasaksihan angpagbabalik ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco para sa action-packed series na “Maging Sino Ka Man.” Muling matutunghayan ang husay ni Kapuso Primetime Princess at ang Pambansang Ginoo as they explore action adventures and romantic moments sa pagganap nila sa iconic roles ng […]
-
LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets
MAY plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga […]