Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga Manilenyo
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.
Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.
“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.
“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.
Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.
Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.
Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.
“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bentahe ang teritoryo: Brandon Vera, idedepensa ang titulo sa
NAKATAKDANG idepensa ni Filipino-American mixed martial arts fighter Brandon Vera ang kaniyang ONE heavyweight world title laban kay Canadian athlete Arjan Singh Bhullar na gaganapin sa Mayo 29 sa Mall of Asia Arena. Si Vera ang babandera sa “ONE Infinity 2” kung saan kasama niya si ONE World lightweight champion Christian Lee, na haharap […]
-
Pagbebenta ng bakuna laban sa Covid-19 at slot, bawal-Malakanyang
IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot. Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain. “Well, […]
-
Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa
PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat […]