• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manliligaw, mukhang dadaan muna sa bangis ni ‘Lolong’: RURU, masarap maging kuya at over protective kay RERE

MASARAP palang maging kuya si Ruru Madrid dahil very protective ito sa kanyang mga kapatid.

 

 

 

Kailan lang ay pinakita ni Ruru na mino-monitor niya ang mga post ng nakakabata nitong kapatid na si Athena “Rere” Madrid.

 

 

 

Rumampa si Rere sa isang fashion event na suot ay sexy and short romper. Noong makita ito ni Ruru sa Instagram account ni Rere, lumabas ang pagiging conservative na kuya nito at nag-comment ito ng “Mag pants ka kaya.”

 

 

 

Nag-reply naman si Rere sa kanyang Kuya Ruru ng “style yan”, na ibig sabihin ay iyon ang pinasuot sa kanya ng brand na nirarampa niya.

 

 

 

Natuwa ang netizen sa pagiging protective na kuya ni Ruru. Na kahit malaking artista na ito, hindi niya nakakalimutan na maging kuya pa rin sa kanyang mga kapatid.

 

 

 

Marami nga namang mga lalake ang nabibighani na sa ganda ni Rere, pero mukhang dadaan muna sila sa bangis ni Lolong!

 

 

 

Mapapanood naman si Rere soon sa teleserye na Unica Hija na bida si Kate Valdez at Kelvin Miranda.

 

 

 

***

 

 

 

PAGKATAPOS maging support sa mga pelikula ni Vice Ganda, magbibida na sa sarili nilang pelikula ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez.

 

 

 

Si Chad ang nagdirek ng kanilang launching film.

 

 

 

“May katulong ako sa screenplay. It’s my story … actor, director, writer po ako nung movie. Ongoing pa ang edit niya. It’s all about friendship and family. Before po siguro nung movie, first time po ay magsasama-sama kami na magtu-tour abroad,” sey ni MC.

 

 

 

This coming November and December, may tour ang Beks Battalion sa Canada, US at Dubai. Ito ay ang Beks 2 Beks 2 Beks concert tour.

 

 

 

Last August, success ang kanilang concert sa New Frontier Theater.

 

 

 

Nakilala si Chad o Richardson dela Cruz nang sumali siya sa Miss Q & A InterTALAKtic 2019 ng It’s Showtime.

 

 

 

Nagkasama naman ang tatlo sa mga pelikula ni Vice Ganda na Beauty and The Bestie, Super Parental Guidance, Gandarrapido: The Revengers Squad, Fantastica, at The Mall The Merrier.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang isa sa star ng Harry Potter film series na si Robbie Coltrane sa edad na 72. Si Coltrane ang gumanap na half-giant sa pelikula na si Rubeus Hagrid.

 

 

 

Lumabas si Coltrane sa walong Harry Potter films simula sa Sorcerer’s Stone noong 2001 hanggang sa Death Hallows -Part 2 in 2011.

 

 

 

Ang famous line ni Hagrid sa best-selling book series ni J.K. Rowling ay “Yer a wizard, Harry”. Si Daniel Radcliffe ang gumanap na Harry Potter at naging close friends sila ni Coltrane sa sampung taon na nagsama sila sa set ng pelikula.

 

 

 

“I’ve especially fond memories of him keeping our spirits up on Prisoner of Azkaban. When we were all hiding from the torrential rain for hours in Hagrid’s hut and he was telling stories and cracking jokes to keep morale up,” pa-tribute ni Radcliffe kay Coltrane.

 

 

 

The Scottish actor, comedian and writer also appeared in two James Bond films, 1995’s GoldenEye and 1999’s The World Is Not Enough as the Russian mafia man Valentin Dmitrovich Zukovsky.

 

 

 

Huling paglabas sa TV ni Coltrane ay sa 20th reunion ng Harry Potter cast na Return To Hogwarts on HBO Max noong January 2022.

 

 

 

“The legacy of the movies is that my children’s generation will show them to their children. So you could be watching it in 50-years time, easy. I’ll not be here, sadly, but Hagrid will, yes,” sey pa ni Coltrane.

 

 

 

Si Coltrane ang ikatlong Harry Potter cast na pumanaw na. Una ay si Richard Harris na gumanap bilang si Albus Dumbledore noong 2002. Sumunod si Alan Rickman na gumanap na Severus Snape noong 2016.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.       Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na […]

  • PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’

    PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).   Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon.   Paglalahad […]

  • Pangamba ng publiko sa nabibiling karne ng baboy sa market, pinawi ng mga Agri groups

    PINAWI ng iba’t ibang samahan ng mga magbababoy ang pangamba ng publiko sa nabibili sa palengke at pagkain ng karneng baboy tungkol sa isyu ng African Swine Fever o ASF Scare.   Sa pulong balitaan sa QC Hall, sinabi ni National Federation of Hog Farmers Chairperson Chester Tan, ligtas kainin ang mga karneng baboy.   […]