Mapapanood ang first-ever mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’… ALDEN, mangunguna pa rin sa celebration ng ‘Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon’
- Published on December 31, 2022
- by @peoplesbalita
SI Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang mangunguna sa celebration ng “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” ngayong Saturday evening, December 31, na tiyak na magugustuhan ng mga K-Pop fans dahil makiki-party, hindi lamang ang mga paborito nilang Kapuso stars, kundi ganoon din ang mga P-Pop stars at ang biggest K-pop stars of SBS Gayo Daejeon sa all-out New Year Special.
Makakasama rin ni Alden sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Ruru Madrid, and Korean social media star Dasuri Choi.
Kasama rin sa star-studded celebration ang Sparkle prime stars na sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez, with home-grown Kapuso singers, at ang cast ng “LUV IS: Caught in His Arms” nina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, and others, na mapapanood na simula sa January 16, 2023.
They will also lead the watch party of SBS Gayo Daejeon, the hottest K-pop event of the year in South Korea, na mapapanood sa December 31, 10:30 p.m. sa GMA-7, and will be live streamed on GMA Network’s YouTube channel.
Sa gabing ito na rin, mapapanood ang first-ever mega trailer of “Voltes V: Legacy” to be aired na sa first quarter of 2003.
This Sunday, January 1, 2023, ipi-feature naman sa “All-Out Sundays” ang 31st birthday celebration ni Alden sa show, at 12:00 NN sa GMA-7.
***
MATAGAL nang magkakasama ang mag-iinang Carmina Villarroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy, sa Saturday morning show nila sa GMA Network, ang “Sarap, Di Ba?”
Kaya medyo maninibago ang kambal kapag nagkasama-sama silang mag-iina sa isang drama series. Yes, magkakaroon ng special participation ang kambal sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay na Pangarap,” na gaganap din silang twins, na magiging pasyente sila sa Apex Hospital na isang surgeon doon si Jillian Ward, as Dr. Analyn Santos, at anak naman siya ni Carmina as Lyneth Santos.
“Magkakaroon ng organ transplant si Cassy, na ido-donate ni Mavy,” kuwento ni Carmina.
“Natanong nga ako kung papayag bang gawin iyon ni Mavy sa tunay na buhay. Pero noon pa ay nasabi na niya na kung dumating ang time na kailangan, gagawin niya para sa aming family niya.
Na-excite din ako nang pumayag ang kambal na mag-guest sa serye namin, dahil ngayon nga lamang kami magkakasamang tatlo sa isang drama serye.”
Ayon naman kina Mavy at Casey, medyo raw ninerbyos sila nang malaman nilang maggi-guest sila sa serye ng ina, pero na-excite din silang makasama si Carmina sa isang drama series.
Napanood na ang special participation nina Mavy at Cassy sa “Abot-Kamay na Pangarap,” after “Eat Bulaga.”
(NORA V. CALDERON)
-
Tsina, ayaw tanggapin ang ‘unilateral’ claim ng Pinas sa UN ukol sa ‘extended continental shelf’
AYAW tanggapin ng Tsina ang pagsusumite ng Pilipinas sa United Nations (UN) body ng kahilingan na palawakin ang continental shelf nito sa West Philippine Sea para “explore and exploit” ang mga likas na yaman doon. Sa isang press conference, araw ng Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian na […]
-
Pagtestigo under oath ni VP Sara sa Kamara, kapalit na kondisyon sa drug, psycho tests ng mga mambabatas
TINANGGAP ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang hamon ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa mga tests sa illegal drug substances at psychiatric evaluation, sa kabila na walang pangangailangan para dito. Ngunit, may kondisyon ang mga mambabatas sa bise presidente na manumpa ito sa harap ng House Blue […]
-
193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na
Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility. Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11 Lunes. Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay […]