Marami pang ni-reveal sa ‘Korina Interviews’: TESSA, inamin kay KORINA na naka-move on and in full swing na
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
“ITO na yata ang wackiest interview ko to date,” sabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa kanyang latest guest sa kanyang NET 25 show na Korina Interviews.
Pinag-usapan ni Korina kasama ang celebrated socialite, host, at philanthropist na si Tessa Prieto ang untimely death ng kanyang kapatid na lalake at kung paano ito nag-udyok sa kanya na ipagdiwang ang buhay araw-araw.
Ni-raid din ni Korina ang dressing room ni Tessa na puno ng mga nakakasilaw na outlandish gowns, headdresses, hats, fashion accessories, at mga sapatos.
“Ilan ang gown mo? Hindi ba mabigat yan sa ulo? Bakit ganyan ka parati manamit? What’s the worst part of suddenly being a single Mom? Are you in love again?”
Lahat ito ay isa-isang sinagot ni Tessa at may mga inamin pa siya kay Korina.
Inamin ni Tessa na nagga-garage sale daw siya for charity, pero ang kaso, “when I down, ako rin ang bumibili ng sarili kong gamit. Kasi it’s so sentimental value
“You know, how Marie Kondo says, is this sparks joy? Oo, kasi lahat ng gamit dito, sparks joy.”
Lalo na pagdating sa gowns, at kahit marami na, palagi pa siyang nagpapagawa. Kuwento ni Tessa, “over the pandemic, marami akong nabili, kasi they need a money and stuffed like that. Kaya I have gowns, wala pang party or occassions. Kaya pipili na lang ako, at ginagawan ko ng iba’t-ibang combinations.”
Tungkol naman sa pagiging single mom, inamin ni Tessa na, “the transition na I had to question, kung ano ba ang dahilan ng buhay ko. Akala ko okay na, I’m gonna be on my 60s, akala ko pang-retire level and everything is establish na.
“Ang realization ko, life can begin now and you can choose kung anong direksyon or path to take. And I’m so excited to take this path. And as a single mom, I’m so excited kasi I’m getting close na with my kids and my mga apo. You know, ibang level ng love ang grandchildren. And I am full time mom now.”
Marami na ngang pinagdaanan si Tessa sa buhay at journey niya at inamin na ang pinakamasakit ay, “you’re questioning your own core. I taught, I was good, as mother and as wife, hindi pala.
“But I live with no regrets, I love that I went through this in the sense that it made me grow better as person. A more loving and kinder, more reponsible.
“And I realize, I have the capacity to change. I thought I wouldn’t. But I wasn’t enough and wasn’t supposed to be.”
Ngayong okay na siya and in full swing na uli, “I already restarted my works for charity. Kasi sabi ko, over the pandemic, we raise over millions of donations, tama, I’m fine na.
“But now I’m a single mom, I don’t have to do it. But no, I have to continue my life and my legacy of helping and doing as much as I can, to change the world.”
At ang nakakaaliw sa bandang dulo ng Korina Interviews at nag-switch sila dresses na kung saan in-enjoy talaga ni Ate Koring ang pabolosong pink gown ni Tessa with complete burloloys, sa latest episode ng pinag-uusapang show tuwing Linggo, 5:00 p.m. na napapanood sa Net 25.
Puwede ring balikan ang past ang latest episodes ng Korina Interviews sa kanyag YouTube channel na Rated Korina.
(ROHN ROMULO)
-
Kaabang-abang ang role niya sa ‘Senior High’: SYLVIA, pinayuhan si ANDREA lalo na sa mga bashers
SA celebrity screening ng newest primetime series ng ABS-CBN na ‘Senior High’ na hatid ng Dreamscape Entertainment, may pasilip na ang character ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez. Gaganap siya bilang isang security guard sa school na kung saan nag-aaral ang kambal na sina Luna at Sky na ginagampanan ng ‘next important star’ […]
-
Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra
BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter. Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]
-
Ads July 10, 2021