• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming nagulat kaya nag-trending ang balita: RS at SAM, tikom pa ang bibig sa pagpapaalam ng flagship products ng ‘Frontrow’

LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng FRONTROW International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product niyo na Luxxe White.
Trending agad ang announcement sa social media lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking “Paalam, Luxxe White” (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa rin ang mga bibig ng mga may-ari ng kumpanya — ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV) — kaya naman di talaga makapaniwala ang mga fans, loyal supporters, at industry insiders.
Wala pa ring nakaka-alam kung ano ang nag-udyok sa di inaasahang balita na ito at patuloy ang madaming spekulasyon business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang discontinuation ng Luxxe White. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, na-sustain ng Luxxe White ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t-ibang panig din ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid; Cha Eun-Woo; Gretchen Barretto; Jinkee Pacquiao; Sachzna; Cristine Reyes; Daniel Padilla; Miss Universe 2018 Catriona Gray; at Vice Ganda, sa mga nag-endorse ng life-changing benefits ng Luxxe White, kaya naman mas lalo pang tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.
Habang patuloy ang bulungan sa health and beauty industry, hindi pa rin binabasag nina RS at Sam ang kanilang katahimikan habang naghihintay ang publiko sa sagot sa tanong ng lahat: bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at konkretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?

(ROHN ROMULO) 
Other News
  • PBBM, ipinag-utos sa NIA na lawakan ang irrigation coverage sa Occidental Mindoro

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems na sasaklaw ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para palakasin ang agricultural production.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang government assistance […]

  • Esteban maghahandog ng tablet sa mga estudyante

    KUMAKATOK sa may mabubuting puso si national fencer Maxine Isabel Esteban na tulungan siyang makailak ng pondo para sa mga batang mag-aaral ngayong may Covid-19 pandemic pa rin   Isinalaysay ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s fencing bronze medalist ang kanyang sinimulang fundraising  sa kanyang kaarawan nitong Huwebes para makapagkaloob ng Android tablets sa […]

  • Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

    Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang […]