• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos idineklarang ‘regular holiday’ ika-10 ng Abril para sa Eid’l Fitr

IDINEKLARA  bilang regular na holiday sa buong Pilipinas ang paparating na Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, bagay na nangyayari matapos ang isang buwang pag-aayuno sa Islam.
Ito ang ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes sa pamamagitan ng Proclamation 514.
“[In] order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Firs to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country,” sabi ng proklamasyon.
“NOW, THEREFORE, I, FERDINAND R. MARCOS, JR., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Fitr (Feast of Ramadan).”
Una nang inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos ang ika-10 ng Abril bilang national holiday kaugnay ng okasyon.
Dahil sa deklarasyon ng regular holiday sa araw na ito, karapatan ng mga empleyadong makakuhang makakuha ng “double pay” kung sakaling papasok sa Eid’l Fitr.
Makakukuha ng 100% ng kanilang sahod ang mga manggagawang hindi papasok sa sa naturang araw. Dagdag na 30% naman ng hour rate sa naturang araw ang makukuha ng mga empleyadong lalampas ng walong oras sa trabaho. (Daris Jose)
Other News
  • Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque

    NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.     “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang por­syentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]

  • 20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG

    Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).   Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.   Sinabi […]

  • May milagro kay Black

    NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.   “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]