Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
- Published on July 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.
Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.
Tinatayang nasa 30,000 ang nagtungo sa panunumpa ni Marcos Jr., ayon sa Philippine National Police. Mahigit 18,000 pulis, sundalo, coast guard atbp. ang itinalaga sa lugar para siguruhin ang seguridad.
Ia-administer din dito ni Marcos ang mass oath-taking ng kanyang magiging Gabinete, pati na ang mga local government unit officials ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nagpatakbo ng diktadura mula 1972 hanggang 1981 buhat ng pagdedeklara ng Batas Militar.
Matatandaang sa parehong venue, na kilala rin sa tawag na Old Legislative Building, ginanap ang inauguration nina dating Pangulong Manuel Quezon (1935), dating Pangulong Jose P. Laurel (1943) at dating Pangulong Manuel Roxas (1946).
Mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio, inilipat naman ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanilang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda.
Ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr., ito’y para na rin sa mapayapang pagdaraos ng kanilang demonstrasyon laban sa papasok na administrasyon at para na hindi maiwasan ang mga insidente sa mga taga-suporta ni Marcos Jr. Aniya, ni-request din ito sa kanila ng PNP.
“The venue holds historic significance in the anti-dictatorship struggle and is also a designated freedom park. The protest will be a counter-point to the Marcos inauguration,” ani Reyes kanina.
“It will highlight our continuing fight against historical revisionism and for the people’s demands.” (Daris Jose)
-
WASTE SEGREGATION SCHEME, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD SA MAYNILA
MAHIGPIT na ipatutupad ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Public Service (DPS) ang ang pagbubukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura na nakapaloob sa ilalim ng umiiral na R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of 2000. Ayon kay Kyle Nicole Amurao, Officer-in-Charge (OIC) […]
-
NTC, inatasan ang mga telcos na balaan ang publiko sa text scam
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magpadala ng text blast sa kanilang subscribers para balaan tungkol sa text spam o umano’y mga text messages na naglalaman ng mga alok na trabaho. Sa gitna ito ng mga ulat na kalat na kalat na ang mga ganitong SMS messages. […]
-
Bulacan, susunod sa uniform travel protocol ng IATF
LUNGSOD NG MALOLOS– Ipinatupad ni Gob. Daniel R. Fernando ang uniform travel protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanyang pinakabagong inilabas na executive order kung saan hindi na kailangan ng travel authority at COVID testing bago makapasok sa Lalawigan ng Bulacan. Ayon sa Seksyon 4 ng Executive Order No. 5, series of 2021 […]