• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr, walang personal na perang ginastos para sa kanyang kampanya- Atty. Dabatos

HINDI gumastos ng kahit na isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito.

 

 

Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline ng submission.

 

 

Ayon kay Atty. Drixel Dabatos, miyembro ng legal team ni Marcos Jr., na dahil sa mayroon pa naman silang sobrang pondo mula sa campaign donations, hindi na kailangan na gumamit pa si Marcos Jr. ng kahit na anumang personal resources nito.

 

 

Nakasaad sa SOCE ni Marcos Jr. na tumanggap ito ng kabuuang kontribusyon na P624,684,320.09 habang ang deklaradong ginastos ay pumalo na sa P623,230,176.68.

 

 

Tiniyak ni Dabatos na magbabayad si Marcos Jr., ng income tax para sa P1.45 million na natira mula sa campaign donations. Pagsunod aniya ito sa “rule of spending’ na P10 kada botante, sinabi ni Dabatos na ang “expenditures are within the threshold since there are 67 million registered voters.”

 

 

Samantala, sinabi pa rin niya na ang malaking halaga ng ginastos ay napunta sa TV advertisements, political rallies, at poll watchers. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pinoy na walang trabaho bumaba sa 1.6-M, kaso job quality bumaba

    BAGAMA’T lumiit ang unemployment rate, tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho (underemployment rate).     Ayon sa December 2023 Labor Force Survey na inilabas ngayong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba patungong 3.1% ang unemployment rate — mas mababa sa 3.6% noong Nobyembre 2023.   […]

  • Ardina, Guce bulilyaso sa 16th Symetra Tour 1st leg

    SUMABLAY sa cut sina Dottie Ardina at Clariss Guce ng ‘Pinas sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 first leg – $200K inaugural Carlisle Arizona Women’s Golf Classic sa Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.     Pumalo ng two-round 146 sa mga round na 74-72 ang US-based na si Guce upang humilera lang sa […]

  • Ex-NBA star Cedric Ceballos hiling ang dasal habang nasa ICU dahil sa COVID-19

    Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19.     Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 […]