Marcos nanawagan ng ‘unity’ sa 2023
- Published on January 4, 2023
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino na magkaisa at maging solido bilang isang bansa sa pagharap sa mga darating na pagsubok ngayong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa pagsalubong sa Bagong Taon, hangad niya na magpatuloy ang pagtutulungan para makamit ang pangarap na magandang kinabukasan para sa lahat.
Sinabi pa ng Pangulo na buhay ang Bayanihan sa mga Pilipino kaya tuloy ang pagsulong sa kabila ng mga balakid at pagsubok na siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa lahat bilang isang bansa.
“I join the entire Filipino nation with hope and optimism in welcoming the New Year. I hope that we will draw strength and inspiration from what truly binds us together — our genuine love for our fellow Filipinos and our country. This is the essence of our call for unity and the impetus for our continued invitation to work together for the realization of our shared inspirations as a people,” pahayag ng Punong ehekutibo.
Sa kabila nito naniniwala naman si Marcos na sa sandaling magkaisa ang lahat ay malalagpasan natin ang lahat ng mga pagsubok at maiaangat ang bansa patungo sa kaunlaran at kaayusan.
Bukod pa rito, hinikayat din ng pangulo ang sambayan na manatiling matatag at patuloy na magkaisa sa tulong at gabay ng Diyos tungo sa mas maayos at masaganang kinabukasan.
“As we look forward to a fruitful and hopeful New Year, let us remain steadfast and united as ever as we ask the Almighty’s continued guidance in our journey toward a better, brighter and more prosperous future for our nation,” giit pa ni Marcos. (Daris Jose)
Other News
-
Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR
Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo. Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ). Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo. Mahigpit din nilang […]
-
Ads March 19, 2022
-
Non-Japanese athletes, ‘di muna sasali sa Olympic test event – organizers
NAGDESISYON ang mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics na huwag munang palahukin sa isa sa mga nalalapit nang test event ang mga atletang hindi Hapon dahil pa rin sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19). Magbubukas na kasi sa Pebrero 28 ang dalawang araw na test event sa Ariake Arena kung saan tampok ang Paralympic […]