• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, pinag-uusapan na ang posibleng appointments ni Rep. Marcoleta, Prof. Carlos

MASUSING kinakausap na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at retired UP Professor Clarita Carlos kaugnay sa potential appointments sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Sa press briefing, sinabi ni Marcos na hinihintay pa niya ang tugon nina Marcoleta at Carlos sa kung ano ang magiging roles o gampanin na nais ng mga itong gawin sa gobyerno.

 

 

“I always asked them back where do you feel you would be the most useful. So all of them, si Ka Dante Marcoleta, I asked him the same question. And I am waiting for his answer,” anito.

 

 

Idinagdag pa ni Marcos na ang “legal prowess” ni Marcoleta ay malaking gamit sa pamahalaan.

 

 

Si Marcoleta, kinatawan ng SAGIP party-list, ay tumakbong senador sa ilalim ng Marcos’ ticket sa 2022 elections subalit umatras mula sa race sa kalagitnaan ng campaign period, lumabas na may “poor performance” sa pre-election surveys.

 

 

At para naman kay Carlos, isang political science professor, sinabi ni Marcos na makatutulong ito sa kanyang administrasyon sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa foreign policy at international politics.

 

 

“The propesora, of course, we’ve been in consultation with her and asking her. And again, it’s the same question, where do you feel that you will be the most help? And again we’re waiting for that answer,” ayon kay Marcos.

 

 

Samantala, patuloy namang nasa proseso ng pagbuo ng gabinete si Marcos kasunod ng kanyang landslide victory noong May 9 elections.

 

 

Sa kasalukuyan, pinangalanan ni Marcos si Vice President-elect Sara Duterte sa Department of Education, dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos Jr. sa Department of the Interior and Local Government, Cavite Rep. Crispin Remulla sa Department of Justice, Arsenio Balisacan sa National Economic and Development Authority, Bienvenido Laguesma sa Department of Labor and Employment, at Susan Ople sa bagong nilikhang Department of Migrant Workers.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na tinapik na rin niya sina  Fred Pascual, Manuel “Manny” Bonoan,  central bank governor Benjamin Diokno, at Felipe Medalla para pangunahan ang Department of Trade and Industry, Department of Public Works and Highways, Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.

 

 

Napili rin ni Marcos si dating Cong. Anton Lagdameo  bilang kanyang special assistant sa oras na pormal na maupo na ito sa kanyang posisyon bilang Pangulo ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika

    INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.   “In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago […]

  • Price cap sa presyo ng gamot, tinintahan ni Duterte

    PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 104 na naglalagay ng price cap sa kabuuang 86 drug molecules o 133 drug formulas sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng EO 104 o “Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the […]

  • Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon

    LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.     Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo […]