• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX pinalawig pa ang kontrata nina Alas at Ravena

Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas.

 

Sa kaniyang social media, ipinarating ng NLEX star guard ang kaniyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa koponan.

 

Tiniyak nito sa koponan na kaniyang gagawin ang makakakaya para mangibabaw ang kanilang koponan.

 

Taong 2017 ng maging second overall draft ang 26-anyos na si Ravena.

 

Pinatawan siya ng 18 buwang ban ng FIBA dahil umano sa paggamit ng pinagbabawal na substances.

 

Nakabalik naman mula sa ikalawang ACL injury si Alas kung saan itinuturing siyang magaling na guards sa liga bago pa man ito ma-injury.

 

Pinasalamatan ni Alas ang koponan lalo na sa mga opisyal ng NLEX dahil sa pagtitiwala.

Other News
  • Bagong mag-aawit may connect kay Pres. Aguinaldo: LIZZIE, kasama sana sa reunion movie nina VILMA at CHRISTOPHER

    SA true lang, ang bongga ng launching ng first single ng newest singer ng Star Music na si Lizzie Aquinaldo. May titulo itong “Baka Pwede Na”, na nilikha ng award-winning songwriter at film director din na si Joven Tan. Na siya rin ang nagdirek ng ginastusang music video na hinangaan ng mga dumalong press people. […]

  • 52% ng Pinoy ‘disapprove’ sa pagtugon ni Marcos Jr. sa inflation — Pulse Asia

    LAGPAS  kalahati ng Filipino adults ang kritikal sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Martes.     Ito’y kahit na nakakuha ng 78% na performance rating si Bongbong sa parehong pag-aaral, bagay na mayorya […]

  • 4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, […]