MARK, nagka-isyu sa pera at ‘yun ang kanyang itinama na malaki ang naitulong ni NICOLE
- Published on October 4, 2021
- by @peoplesbalita
UNA raw na binago ni Mark Herras sa kanyang sarili noong magkaroon na sila ng anak ng misis na si Nicole Donesa ay ang ibigay ang buong suweldo niya mula sa GMA.
Para rin daw iyon sa pagsisimula ng pag-ipon nila sa future ng baby nilang si Corky.
Natatawang kuwento ni Mark: “Nagkaroon ako ng suweldo sa GMA last payroll. Tapos sabi ko, ‘Ibibigay ko ba lahat ito?’ Ibinigay ko lahat sa asawa ko. Sabi ko, ‘Ito Itchy oh, wala akong binawas diyan ha. Bigay ko sa’yo lahat ‘yan.’
“Tapos kapag may kailangan na lang ako, nanghihingi ako. Sabi ko ‘Itchy puwede ba akong manghiram ngayon? May bibilhin ako eh. ‘Yun pa lang naman ang pinakamalaking pagbabago.”
Naging issue nga kay Mark ang tungkol sa pera at nais niyang maitama na ito dahil seryoso na siya sa buhay niya ngayon. Malaking tulong daw si Nicole sa pag-mature niya at marami siyang natutunan dito, lalo na pagdating sa paghawak ng finances ng pamilya nila.
Kapag meron naman daw silang hindi napagkakaunawaan ni Nicole, dati raw ay umaalis siya at umuuwi siya sa bahay niya sa Filinvest. Ngayon daw ay hindi na niya ginagawa iyon.
“Sabi ko nga ‘pag nag-a-argue kami, ‘Uuwi muna ako sa bahay.’ Kasi I have my house doon sa Filinvest. Pero ngayon nag-stay ako kina Nicole kasi kasal na kami at kapag may problema kami, gusto naming maayos iyon agad bago kami matulog,” diin pa ni Mark.
Muling mapapanood si Mark sa GMA teleserye na Artikulo 247 kunsaan kasama niya sina Benjamin Alves, Jackie Rice at Rhian Ramos.
***
HINDI raw madali para kay Sandro Muhlach ang maging anak ng tinaguriang Child Wonder of Philippine Cinema na si Nino Muhlach.
Sa pagpasok ni Sandro sa mundo ng kanyang ama, alam niyang may mga ikukumpara siya sa kanyang ama noong kasikatan nito bilang isang child actor. Kaya nais ni Sandro na magkaroon siya ng sarili niyang identity at ipatunay na kaya niyang magkapangalan sa showbiz at hindi lang siya basta anak ni Nino Muhlach.
“Mahirap po na maging anak ng isang Nino Muhlach. People will expect a lot from you. Kasi hindi lang po si Papa eh.
“Pati na ang uncle ko na si Aga Muhlach, my auntie Arlene Muhlach and Almira Muhlach and my late lola Amalia Fuentes. Kailangan may mapatunayan ako sa kanilang lahat.
“Masakit po minsan na may mga nagsasabi na kaya ako nasa showbiz dahil sa tatay ko. Sa impluwensya ni Nino Muhlach. Para sa akin, unfair po iyon because I went through a lot bago ako natanggap as one of the new talents of GMA Artists Center.
“Ilang beses po akong nagsa-submit ng application ko sa GMA na hindi alam ng daddy ko. I always pray na sana may mangyari at sana po matanggap ako. I went through the usual auditions at naghintay po ako for many months kung pasado po ba ako or hindi? Kaya laking tuwa ko noong tawagan ako at sinasabing isa ako sa mga bagong ppipirma sa GMAAC.
“Nagulat na lang si Papa noong sabihin ko na isa na akong Kapuso. Natuwa po siya kasi hindi niya akalain that I would work this hard for something that I like. Sabi pa ni Papa na he will support me all the way.”
Sa edad ni Sandro na 15, malayo pa ang itatakbo ng career niya sa showbiz, basta seryoso siya at mahal niya ang pinasok niyang karera tulad ng mga Muhlach na nauna sa kanya.
***
INOKRAY ng legendary icon na si Dame Joan Collins sa kanyang bagong memoir na My Unapologetic Diaries ang maraming celebrities na dumaan sa pagpaparetoke.
Sey ng 88-year old Dynasty star na puno ng juicy secrets at uncensored thoughts ang kanyang book na babagay sa cattiness ng kanyang famous character na si Alexis Carrington.
Kabilang sa mga inokray niyang nagparetoke ay ang co-star niya sa Dynasty na si Linda Evans, and Italian icon na si Sophia Loren at ang buong Kardashian family.
Sey ni Collins tungkol kay Evans: “Are you supposed to ignore somebody when they come in with tape on their eyelid? Every one of the other actors was saying, ‘What do you think she had done?’
“Am I the only one who thinks there’s an obesity crisis? Those lips people have done, I think they look ludicrous,” she said of today’s trends in cosmetic surgery.
“I’m sorry. And if people want to go round looking like that I’m going to laugh at it.”
Sunod naman niyang inokray ay si Kris Kardashians: “We all talk about it. Have you ever been in a hairdresser’s? The Kardashians, for instance. Kris Jenner, their mother, is a good friend of mine and I don’t want to be rude about her children, but there’s an awful lot of surgery there and I’ve talked to my friends about it, as I’m sure you have, the bottoms, the tiny waists.”
Ito naman ang okray niya kay Sophia Loren: “Loren’s teeth look like they have been carved out of ivory. Loren’s still alive. But it’s not as if we’re bosom buddies and she’s never going to speak to me again. And it’s true.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Sa 38th Star Awards for Movies: CHARO at SUNSHINE, nag-tie sa Best Actress at si VINCE ang Best Actor
MANINGING at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang […]
-
Administrasyong Marcos, inilunsad ang PH Multisectoral Nutrition Project
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.” Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. […]
-
DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo. Maliban sa Bicol, […]