Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.
Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho bago panagutin ang mga kumpanya na nagpabaya sa kanilang trabahador.
Matatandaan na isa ang nasawi at sampu ang sugatang trabahador matapos bumigay ang scaffolding sa construction site na kanilang pinagtatrabahuan sa Sto. Cristo Street, Barangay Balingasa, Quezon City nitong Martes.
Ayon sa KMK, dapat na imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Quezon city government ang aksidente upang madetermina ang pananagutan ng kumpanya at kung mayroon umanong posibilidad na pagbabaya sa insidente.
Dapat ding alamin kung naglaan ang kumpanya ng safety seminars at training sa manggagawa upang madagdagan ang kamalayan ng mga ito ukol sa occupational hazards sa kanilang trabaho at mabawasan ang panganib sa lugar ng trabaho.
Gayundin, nararapat ding magsagawa ng imbestigasyon kung nagawa pang tuparin ng kumpanya ang kanilang mandato sa ilalim ng batas sa pagbibigay ng mga kaukulang personal protective equipment (PPE) sa kanilang trabahador.
Pinaalalahanan din ng KMK ang gobyerno na siguruhin na ang mga apektadong manggagawa na natigil sa kanilang trabaho habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay patuloy na makakatanggap ng sahod. (Daris Jose)
-
Mystery, Dread Surround ‘Don’t Worry Darling’ Official Trailer
WARNER Bros. Pictures and New Line Cinema have revealed the official trailer of the mystery thriller ‘Don’t Worry Darling‘ directed by Olivia Wilde and starring Florence Pugh, Harry Styles, Olivia Wilde, Gemma Chan, KiKi Layne, and Chris Pine. Check out the trailer below and watch “Don’t Worry Darling” in Philippine cinemas September 2022. […]
-
Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara
SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG). Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]
-
Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora
Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora. Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London. Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na […]