Mas malupit na cybersecurity vs banking hacks iginiit ni Bong Go
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Senator Bong Go na dapat magkaroon ng mas malupit na cybersecurity at digital protection para sa mga Filipino laban sa online scams o banking hacks kasabay ng pagtiyak na hahabulin ng gobyerno ang mga salarin sa likod nito.
Kasunod ng kamakailang online banking scam at hacking incidents na nakabiktima sa ilang indibidwal, kabilang ang public school teachers, tiniyak ni Go sa publiko na hahabulin ng gobyerno ang mga salarin at kakasuhan, alinsunod sa cybercrime laws.
“Sa mga manloloko, maawa naman kayo sa kapwa ninyo Pilipino. Nasa gitna tayo ng krisis, gamitin n’yo sana ang oras ninyo para tumulong kaysa gumawa ng kalokohan,” ayon sa senador.
“Hindi po titigil ang gobyerno hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga kriminal na ito,” dagdag ni Go.
Nangako ang senador na susuportahan ang agarang pagpasa ng SIM Registration Act na naglalayong magbigay sa publiko ng proteksyon laban sa mga ilegal na aktibidad tulad ng pandaraya, text scam, terorismo, malalaswang mensahe, at disinformation.
Sinabi ni Go na ang sistema ng pagbabangko at sektor ng pananalapi ay dapat na patuloy na mamuhunan sa cybersecurity at mapanatili ang mga pinakamahusay na kasanayan sa IT. (Daris Jose)
-
Hiling ni PDu30 sa national at local quarters, paigtingin ang vaccine information at education campaign
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa national at local quarters na pataasin at paigtingin ang kanilang vaccine information at education campaign para mas mapataas pa ang kumpiyansa sa bakuna at marami pang tao ang magpabakuna laban sa Covid-19 Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Chief Executive na […]
-
Ads January 13, 2022
-
PDA, bawal na muna
Muling nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magsing-irog na maghinay-hinay muna sa paglalambingan sa publiko habang umiiral pa rin ang quarantine protocols sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Ito ang paalala ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana kasabay ng muling paghihigpit ngayong nanunumbalik ang lockdowns sa ilang lugar sa […]