• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maraming in-housing units, itatayo sa Navotas

MALUGOD na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na patapos na ang NavoHomes 2 Kaunlaran na paglilipatan ng 120 pamilyang Navoteño na nakatira sa tabing dagat o danger zoon.

 

 

Sinabi rin ni Mayor Tiangco na natambakan na ang limang ektaryang site ng NavotaAs Homes 3 sa Tanza at ito ay natambakan ng libre sa kagandahan loob ng San Miguel Corporation

 

 

“Taong 2003 palang ay sinimulan na natin ang pagbili ng unang in-city housing ng Navotas na may kabuuang 8.4 hectares. Ito po ang NavotaAs Homes 1 Tanza na may 1,380 housing units,” ani alkalde.

 

 

Ayon naman kay Cong. John Rey Tiangco, napa-build na ng National Housing Authority (NHA) ang pagpapatayo ng 23 5-story building o 1,380 housing units sa NavotaAs Homes 3.

 

 

Kasama aniya sa plano sa bagong pabahay ng lungsod ang mga pasilidad, kabilang ang health center, livelihood training center, day care at elementary school, palengke at iba pa.

 

 

Dagdag pa niya, nakapagpatayo na rin ang lungsod ng 219 units sa NavotaAs residences San Roque, 60 units sa Navohomes Dagat-Dagtaan, 120 units sa Navohomes 1 Kaunlaran at 408 units sa NavotaAs Homes 2 Tanza.

 

 

“Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil at patuloy natin pagsisikapan na maghatid ng ligtas, maayos at de-kalidad na tahanan para sa pamilyang Navoteño,” pahayag ni Cong. Tiangco.

 

 

Sa kasalukuyan, ayon kay Mayor Tiangco ay may 2,187 housing units na ang lungsod para sa mga pamilyang Navoteño at sakaling matapos aniya ang NavoHomes 2 Kaunlaran at NavotaAs Homes 3 Tanza ay magiging 3,687 ang total ng housing units. (Richard Mesa)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 27) Story by Geraldine Monzon

    NAG-ALALA si Andrea sa kabilang linya nang tila nabitawan ni Janine ang cellphone.   “Janine? Hello Janine?”   Wala ng sagot mula sa kaibigan.   “JANINE!” sigaw ni Andrea.   Nanginginig ang mga kamay ni Andrea na hindi mabitawan ang kanyang cellphone hangga’t hindi sumasagot si Janine.   Sa ospital na nagkamalay si Janine. Nasa […]

  • Bilang pagkilala na Living Legend-Outstanding Filipino: SUSAN, pinagkalooban ng Philippine Postal Corporation ng isang special portrait

    PINAGKALOOB ng Philippine Postal Corporation ang isang espesyal na portrait para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang pagkilala sa kanya na Living Legend-Outstanding Filipino.       Tinanggap ni Senator Grace Poe ang portrait ng kanyang ina mula sa mga opisyal ng PHLPost at nagpasalamat ito sa pagkilala sa kanyang […]

  • Para raw sinadya para mapag-usapan: DAVID at JAK, parehong nag-Zoro costume kaya iba-iba ang naging reaksyon

    PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ng mga netizens sina David Licauco at Jak Roberto matapos nilang rumampa na parehong nag-cosplay bilang Roronoa Zoro ng ‘One Piece’ sa ginanap na GMA Sparkle Spell 2023 noong October 22.   Nagtalo-talo nga sila kung kanino mas bagay at bakit kailangan pareho ang kanilang costume.   Ilang nga sa […]