Mas maraming supply ng oxygen kailangan para mapaghandaan ang posibleng Delta COVID-19 surge – Vergeire
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant.
Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central Luzon.
Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, matagal nang naghahanda ang kagawaran para sa isa pang surge makalipas na maiulat ang sa India ang Delta variant.
Ang naturang variant ay sinasabing mas nakakahawa at mas mataas din ang posibilidad na maisugod sa ospital ang tatamaan nito. (Daris Jose)
-
Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!
PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules. Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]
-
TIANGCO BROTHERS NANGUNA SA WORK PERFORMANCE POLL
NASUNGKIT nina Navotas Representative Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang una at ikalawang puwesto sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa unang taon na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila. Si Cong. Tiangco ay nangunguna sa Boses ng Bayan poll para sa Top Performing […]
-
Kung anu-anong isyu na ang lumutang: Relasyon nina ZANJOE at RIA, patuloy na pinagdududahan
ANO nga ba at ‘di mamatay-matay ang issue between Zanjoe Marudo and Ria Atayde? Ando’ng mapabalitang sila na ang magkarelasyon, o diumano’y nagpakasal na sa kung saang lupalop ng daigdig and lately may mga tsika pang umalis ng bansa ang dalaga dahil infanticipating daw ito at itatago ang pangangaganak sa kung saan. Ang totoo? Parang […]