• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas matinding pagsabog ng Bulkang Kanlaon asahan — Phivolcs

PINAYUHAN ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seislology (Phivolcs) ang mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Kanlaon sa Negros na maghanda at lumikas sa mas ligtas na lugar sa mga susunod na araw.

 

 

 

Ito ay dahil sa inaasahang mas matinding pagsabog na maganap sa bulkan sa susunod na mga linggo.

 

Ayon kay Phivolcs Chief Teresito Bacolcol, nasa alert level 3 na ang Kanlaon na nangangahulugan ng pagkakaroon ng magmatic unrest at maaaring magkaroon ng matinding pagsabog.

 

 

“Pinapayuhan natin ang ating mga residente na huwag munang pumasok sa six-kilometer danger zone. Kahapon, it was an explosion, a strong explosion kahapon ang nangyari,” sabi ni Bacolcol.

 

Anya, kinakitaan ng magma ang bulkan hindi tulad ng nagdaang aktibidad na may steaming at may kasamang abo lamang.

 

 

“When we talk about magmatic eruption, this is magma na lumalabas at nagkaroon ng lava. Pero so far, hindi pa po natin nakikita ‘yan ngayon sa Kanlaon Volcano,” sabi pa ni Bacolcol.

 

 

Kasabay nito, pinag­hahandaan na ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Defense Secretary Gilbert Teodoro ang posibilidad na itaas sa alert level 4 ang Kanlaon.

 

Nabatid na tatlong Linggo ang gagawin obserbasyon sa pag-aalboroto ng Kanlaon at ina­asahan nilang posibleng lumala ang sitwasyon o iakyat sa alert level 4.

 

 

Sakaling hindi tumigil ang pag-alburoto, palalawakin pa sa 10 km radius ang danger zone sa pali­gid nito na nangangahulugan na kailangan nang ilikas ang mga residente.

 

 

Nitong Lunes ay nagkaroon ng pagsabog ang Kanlaon na may 3 minuto at 55 segundo ang haba.

 

 

Mayroon ding pyroclastic density current na naitala sa bulkan at napaka destructive nito na maaaring masunog ang anumang bagay na daluyan nito. (Daris Jose)

Other News
  • Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

    NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.         Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.         “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]

  • JUANCHO, naiyak sa tuwa sa sorpresa ni JOYCE sa first wedding anniversary

    SINORPRESA ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring, mga segment hosts ng GMA Network morning show na Unang Hirit ang mga co-hosts nila Last February 9.          Bigla kasi nilang in-announce na may coming baby na sila, sabay pakita sa sonogram ng 19 week-baby nila.     Ang saya ng atmosphere sa studio […]

  • Bataan-Cavite bridge, paluluwagin ang trapiko sa Kalakhang Maynila-PBBM

    KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang  Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila.     Si Pangulong Marcos ay dumalo sa  Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan.     Sinabi nito na ang  travel time sa pagitan ng mga lalawigan […]