• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas tinutukan at pinaboran si Kim: XIAN, unfair na sisihin sa nalalapit na pagkawala ng serye nila ni JENNYLYN

UNFAIR naman na sa dating Kapamilyang aktor na si Xian Lim daw isinisi kung bakit mawawala na sa ere ang “Love, Die, Repeat”.
   Last Jan. 15 lang sa taong ito umere ang nabanggit na GMA serye pero dahil sa mahina raw sa ratings kung kaya tatapusin na ang seryeng  pinagbibidahan nina Xian at Jennylyn Mercado.
  Pero itinanggi naman ng isang kaibigang may konek sa Kapuso network ang naturang isyu.
  Kumbaga kahit hindi raw naman kataasan ang rating pero hindi raw naman Ito super sadsad at kahit papaano ay lumalaban pa rin sa kalabang serye.
   Take note na ang ka tapat na programa ng “LDR” ay ang pinag-uusapan ng lahat na “Linlang” na bida naman si Kim Chiu at katambal naman si Paulo Avelino na napabalitang malapit sa puso ngayon ng Kapamilyang aktres
  So there, mas tinutukan at maaring mas kinampihan ng mga televiewers si Kim kaysa kay Xian, huh!
***
SAYANG at hindi nagpang-abot sina AiAi Delas Alas at Vice Ganda nang mag guest ang una sa programa ng huli.
   Kumbaga, nang mag guest sa “It’s Showtime” ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap ng personal ang dalawa.
  Nope walang isyu at hindi nag-iiwasan ang dalawa , medyo na late lang daw ang dating ni Vice at hindi raw naman ito aware na isasalang agad ang kaibigan.
   Kaya ganun na lang ang paghingi ng paumanhin ni Vice kay Ai Ai at tinawagan pa niya na para lang humingi ng despensa.
  Well, anyway sa naturang guesting ni Ai Ai. Kahit medyo nagpapatawa ay ramdam na ramdam ang pagiging emosyonal at halatang sobrang na-miss niya ang mga tao at kapaligiran ng dating tahanang nag alaga sa kanya.
  After almost nine years ay ngayon lang nakabalik si Ai Ai sa compound ng Kapamilya network.
   2015 pa nang huling masilan si Ai Ai sa channel 2. At sa programang “It’s Showtime” pa rin ang last guesting ng sikat na aktres bago ang paglipat niya sa Kapuso network.
   Lalong nagpatibay sa paniwala ng lahat na walang permanente sa mundo kaya dapat lang na maging mabuti tayo sa lahat ng mga naka kasama natin.
  Don’t burned bridges, ika nga.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Kahit sikat na sikat ng fashion icon: HEART, enjoy pa rin sa simple things tulad ng pagkain ng fast foods

    SA kabila ng pagiging glamorous celebrity ni Heart Evangelista, attending one fashion show after another sa abroad, in reality, enjoy pa rin siya doing simple things, tulad nang pagkain sa mga fast food. Nakita nga siya ng ilang Filipino fans, na kasama niya ang mga big stars and her glam team sa Milan Fashion Week, […]

  • Batas na nagpangalan kay Fernando Poe Jr. sa Roosevelt Ave, pirmado na ng Pangulo

    OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Ipinag-utos ng batas […]

  • Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

    Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.   Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga […]