• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA

UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw.

 

 

 

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital kung saan nagpasalamat ang Alkalde sa mga magulang na tumugon sa kanilang panawagan na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra COVID-19.

 

 

 

Ayon kay Domagoso, pangarap nito na makabalik na sa kani-kanilang mga eskwelahan ang mga kabataan sa oras na maipatupad na ang limitadong “face-to-face class” sakaling mapili ang lungsod ng Maynila sa pagpapairal nito.

 

 

 

Ayon pa kay Domagoso, plano ng lokal na pamahalaang lungsod na dagdagan pa ang mga lugar sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga kabataan. Aniya, simula sa Biyernes ay magkakaroon na rin ng pagbabakuna sa apat na mall sa lungsod at iba pang mga lugar kung saan malawak at magiging komportable ang pagbabakuna.

 

 

 

Ang naturang bakunahan ay ilalaan para sa mga kabataan at iba pang indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A5 category.

 

 

 

Pagkakataon na rin ito para unti-unting umangat ang mga negosyo sa mga malls kung saan maaaring mamili, kumain o mamasyal habang hinihintay ng kaanak ang isa nilang miyembro na binakunahan.

 

 

 

Dagdag pa ng Alkalde, nananatiling “open policy” ang kanilang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan habang magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng house to house na pagbabakuna para sa mga “bedridden” na menor de edad.

 

 

 

Nabatid na nasa higit 120,000 dose ng Pfizer ang naitabi ng lokal na pamahalaang lungsod na nasa kanilang cold storage facility kaya’t handa silang bakunahan ang mga kabataan na nagparehistro na sa www.manilacovid19vaccine.ph na umaabot na 53,325.

 

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling ulat, nasa 1,102 na mga kabataan ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa anim na pampublikong ospital ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong tanghali. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 7 KATAO TIMBOG SA TUPADA

    PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, […]

  • Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa

    MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”           Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon […]

  • SASO BUMIBIDA SA JAPAN GOLF STATS

    SUMABLAY sa mga korona sa magkasunod na linggong yugto ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020, pinakahuli sa Minolta Cup nitong Linggo ng hapon si Yuka Saso.   Pero siya pa rin lumilitaw na nagdodomina sa standings at sa mga statstic ng mayamang palarong ito sa rehiyon   Ang malakas pumalong 19-anyos na […]