Masterlist ng mga babakunahan ng COVID -19 vaccine, inihahanda na
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
KINUKUHA na ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga pangalan ng health workers sa buong bansa.
Ito’y bilang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19.
Sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon, may ginagawa ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang pagamutan ganundin sa Local Government Units (LGUs) pati na sa mga probinsiya para sa masterlist ng mga medical workers lalo na sa mga nakatalaga sa health facilities na ang hawak ay COVID cases.
“As explained briefly by Secretary (Carlito) Galvez earlier, the Department of Health is coordinating with the various hospitals and the various local government units and provinces to get the master list of all health workers especially in the health facilities that cater the most COVID cases,” ayon kay Dizon.
Pagtiyak ni Dizon, ready na for roll out ang pagbabakuna sa sandaling dumating na first batch ng bakuna ngayong Pebrero.
“So iyon ang uunahin ‘no, iyong mga ospital and medical facilities na pinakamaraming mga hina-handle na COVID cases. So nagawa na iyon ng Department of Health, and ready for rollout na iyan kapag dumating ang ating mga first batch of vaccines ngayong February,” aniya pa rin.
Batay sa priority list ng gobyerno, una sa listahang mabakunahan ang mga health care workers na susundan naman ng indigent senior citizen, pangatlo ang iba pang senior, pang-apat ang natitirang indigent population at ang huliy mga sundalo at pulis. (Daris Jose)
-
LTO naka-heightened alert sa Undas
NAKA-HEIGHTENED alert ang Land Transportation Office (LTO) para matiyak na ligtas ang paglalakbay ng mga motorista sa panahon ng Undas. Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022” masusing babantayan ng mga elemento ng LTO ang mga aktibidad sa main thoroughfares at transport terminals sa mga lalawigan, bayan at lungsod mula October 27 […]
-
DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide
INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products. Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%. “It will be out (price guide) by the second week of November because not all […]
-
Maagang pagboto ng mga seniors, PWDs, abogado, human resources for health, aprub sa Kamara
INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections. Sa botong 259, ipinasa sa plenaryo ang House Bill 7576, na pinagsama-samang 15 magkakahiwalay na panukala na inihain […]